[Edited]
This chapter is dedicated to YuriMaeChan
DMDB 04: We Meet Again
***
''NAKO naman Impress! Kailangan niyo na talagang magbayad. Ako na kasi ang nalulugi sa inyong mag-ina eh!'' Pakiusap ni Manang Ester. Ang nagmamay-ari ng apartment na inuupaan nila.
''Pasensya na talaga Manang Ester. Sa susunod na linggo pa po ang susunod kong sahod.'' Hinging pasensta ni Impress. Totoo naman kasing sa susunod na linggo pa ang sahod niya sa call center agency na pinagtratrabahuan nya.
Isang taon na siya doon. Simula nang lumipat silang mag-ina dito sa Manila ay doon na sya nagtratrabaho.
''Hindi ko na problema iyan, Impress! Kung hindi kayo makakapagbayad ngayong linggo, mas mabuti pang maghanap na lang kayo ng malilipatan. May pamilya din akong binubuhay. Alam mo naman iyan.'' Dadal nito sa kaniya. Napapikit na lang siya sa mga oras na iyon. Saan naman sila pupunta ng anak kung papalayasin sila sa apartment na tinitirhan nila?
"Sige naman po oh. Pangako po. Sa susunod na linggo po talaga ako magbabayad. Gipit din po kasi ako dahil sa pang-tuition ng anak ko.'' Pagmamaka-awa niya sa kaharap.
"Impress naman! Intindihin mo din naman ako. Alam mong dito lang sa pagpapaupa ako kumikita. Paano naman ang pamilya ko?"
''S-sige...'' hindi na niya naituloy ang sasabihin niya nang may magsalita na lalaki di kalayuan sa kinatatayuan nila.
''Ilan po ba ang babayaran niya?'' Ani ng baritong boses ng lalaki. Nang lingunin niya ito, ganoon na lang ang panlalaki ng mata niya pagkatapos mapagtanto kung sino ito.
''Mama!'' Sigaw ng isang boses sa kaniya. Nang bumaba ang paningin nya sa batang nasa tagiliran ng binata, nakita niyang nakahawak ang kanang kamay ni Kairon dito.
Bumalik ang paningin niya sa binata at nahuli niya itong matiim na nakatitig sa kaniya. Pinilit niyang makipagtitigan dito ngunit siya na rin ang unang pumutol nito.
'Alam na kaya niya?'' Tanong ng isip niya. Hindi kasi siya nito tititigan nang ganoon kung hindi. Naglakad na sina Kairon at Alex palapit sa kanila.
''SO, mayroon ka bang dapat na sabihin sa akin?'' Seryosong turan ni Alex sa kaniya habang sabay nilang pinapanuod si Kairon na nakikipaglaro sa mga kaibigan nito.
''A-ano ba ang pinagsasabi mo dyan?'' Kinakabahang tanong ng dalaga sa kaniya. Hindi pa nito magawang makatingin sa binata.
''Ha! Ha! Ha!'' Sarkastikong tawa ni Alex at saka nito ibinaling ang tingin sa kaniya. "Talaga bang wala kang sasabihin?'' Tanong nito na may halong pagbabanta.
''M-may dapat ba akong sabihin?'' Mas lalong tumindi ang kabang nararamdaman ni Impress sa titig na ipinupukol ni Alex sa kaniya. Kaya sya na lang ang umiwas ng tingin at ibinaling ito sa naglalarong anak.
''Huwag na tayong maglukohan pa dito, Impress. Alam ko na ang lahat eh!'' Huminga muna ito ng malalim bago ipagpatuloy ang sinasabi.
''Ngayon, gusto kong sagutin mo ang tanong ko. Ako ba ang ama ng bata?'' Mariin nitong tanong at mas dumilim pa ang awrang mararamdaman dito.
''P-paano mo naman nasabing sa'yo ang bata? Sigurado ka bang ikaw lang ang...'' hindi na niya naituloy ang sasabihin dahil sa pagsigaw ni Alex. Puno ito nang frustration at galit.
''This is B*llsh*t! Alam kong sa akin ang bata. Kahit na wala akong maalala sa mga nangyari nung gabing yun, wala na akong paki. Sapat na sa akin ang blood stain sa kumot bilang ebidensya.'' Galit nitong turan.
''H-huh?'' Iyon na lang ang nasabi ng dalaga matapos ang mahabang pahayag ni Alex.
''Tss! Huh? Iyon lang ba ang sasabihin mo? Kung hindi mo pa sasabihin, kukunin ko na lang ang anak ko. Alam ko namang ako lang ang nakagalaw sa'yo. Wala din akong pakialam kong sumama ka sa kahit sinong lalaki, matapos nito. Diyan ka naman atah magaling eh! Sa pagiging isang...''
''Alam ko! Alam ko! Alam ko! Oo, inaamin kong ikaw ang ama niya. Pero wala kang karapatang pagsalitahan ako nang ganiyan. At lalong-lalo na, wala kang karapatang ilayo ang bata sa akin!'' Putol ng dalaga sa sasabihin niya habang patuloy ang pag-agos ng masasaganang luha na nagmumula sa mata nito matapos siyang sampalin.
At sa sandaling iyon na atah nag-sink-in sa isipan ng binata ang mga sinabi niyang mga salita para dito.
'W-where the hell did I get that information for me to say those words? F*ck it Alex! Your a jerk!' Tanong ng binata sa sarili. Napapikit na lang si Alex at saka tumungo para hindi ipakita ang pagsisisi sa mukha niya.
''Ma, why are you crying?'' Tanong ng bata nang makalapit ito sa kanila at nang mapansin ang masasaganang luhang pumapatak sa mga mata ng dalaga.
''H-ha? Wala lang toh!'' Sabi ni Impress at saka itinaas ang ulo para matigil ang paglaglag ng mga luha.
Habang si Kairon naman ay bumaling sa kaniya nang may masamang tingin. Mabilis rin ang pagbabago ng mood nito.
''Ano ba ang ginawa mo sa nanay ko?'' Matapang nitong tanong habang hindi pa rin naalis ang masamang tingin sa kaniya. Pero hindi niya maiwasang mas lalong mamangha sa ikinikilos ng bata.
''K-Kairon, uwi na tayo?''
'W-what? N.O!'
''Kairon, do you want to know who's your father?'' Naka-skwat na tanong niya sa bata. Bumakas naman ang lungkot sa mukha ni Kairon habang nasa baba ang tingin.
Nang ibaling ng binata ang paningin sa mukha ng dalaga, pansin niyang naluluha na ito habang nakatitig rin sa kaniya. Bakas din ang pagkataranta dito.
''N-No! Don't you dare...'' banta nito sa kaniya pero naputol ang sasabihin ng dalaga nang biglang sumabat si Kairon.
''N-no! He doesn't want me!'' Sigaw ni Kairon at doon din biglang nagbago ang timpla ng binata nang marinig ang naging sagot sa kaniya ng bata.
''Who told you that?'' He asked firmly while looking at Impress with so many question in his mind. Napa-iwas na lang ng tingin ang dalaga dahil sa ipinukol niyang tingin.
''No one! I just feel that he doesn't love me and my mom.'' Napahagos na lang ang luha ni Kairon nang maalala ang mga panahong wala siyang ama para maalagaan siya.
''That can't be true!'' He defend as he was looking at Impress who is looking at her side for him not to see her real emotion.
''Can't be true? Why? Hinanap niya ba kami nang pinagbubuntis pa ako ni mama?'' Inilabas na nang bata ang hinanakit niya sa tatay niya sa sandaling iyon.
''K-kairon, uwi na tayo?'' Pilit ang ngiting pukaw ni Impress sa attention ng dalawa sabay hatak sa bata paalis ng lugar. Naiwan namang tulala ang binata nang makalayo na ang dalawa.
'H-he doesn't like me! Does he?' Alex asked himself. Before living the place.
''Pinapangako ko. Kukunin ko kayong dalawa. Kung hindi ko kayo makuha sa mabuting usapan, dadaanin ko na lang sa ibang paraan."
***
-TBC
@assasin05
VOTE. COMMENT. FOLLOW. BE A FAN.