♥DMDB 9: Drown!♥

2.4K 51 7
                                    

♥Chapter 9: Drown!♥

***

''Oh my god!'' Impit na tili ni Impress nang may humawak sa baywang nya habang nagluluto. Tatawa-tawa pa ito dahil sa expression nya.

''Hahaha! Baby, ang epic ng mukha mo!'' Hindi mapigil sa pagtawang sambit ni Alex habang hawak-hawak pa ang tyan na halos gumulong na sa sahig.

''Sige! Tawa pa. Kung dyan ka masaya.'' Irap nya kasabay ng pagpihit ng gas stove para mamatay ang apoy. Pagkatapos ay dali-dali na itong umalis sa kusina.

''Baby! Saan ka pupunta?'' Nagpipigil pa ng tawa sabay sunod sa iyo papasok ng kwarto.

''Magpapakamatay! Sama ka?'' Sigaw nito pabalik sabay balibag ng pintuan. Halata din sa boses nito ang pagka-inis.

''Hey! I was just joking.'' Tarantang habol ni Alex sa kanya. Hindi na rin ito tumatawa.

***

''Hey, where are you going?'' Habol ni Alex kay Impress. Papalabas na kasi ito sa suite nila habang naka-robe. May dala-dala rin itong mini shoulder bag.

''Paki mo ba?''

''Aish! Hanggang ngayon ba naman?'' Kausap nya sa sarili nang maka-alis na si Impress.

Matapos ang ilang sandali ay lumabas na rin sya para hanapin ang asawa. Nagsout pa sya ng swimming trunk.

***

''Miss, are you alone?'' Tanong ng isang lalaki sa naka-upong si Impress. Pero tinapunan lang sya ng paningin ni Impress. At hindi man lang ito umimik.

''Hey, Cedric nga pala.'' Sabay lahad ng palad. Pero hindi pa rin sya kinikibo ng babae.

'What the hell is her problem?'

Lumipas ang mga sandali pero hindi pa rin umaalis si Cedric sa tabi ni Impress. Nananahimik na lang din ito dahil baka palayasin lang sya ng babae.

''Ano pa ba ang kailangan mo at nandito ka pa?'' May inis na wika ni Impress nang mapansing hindi pa umaalis ang lalaking tumabi sa kanya. Nananahimik lang ito pero hindi sya mapakali sa pakikisama nito sa kanya.

''Kailangan ko? Wala naman.'' Nakangiting sambit nito na syang naging dahilan para lumabas ang malalalim nitong dimples.

''Umalis ka na nga lang kung wala kang mabuting sasabihin!'' Pagmamataray nya. Masama na nga ang araw nya, mas palalalain pa ng lalaking nasa tabi nya. Tss

''Napaka-high blood mo naman.'' Naka-pout na sambit ni Cedric.

''Huwag kang mag-pout. Mukha kang aso.'' Pambabara ni Impress sabay irap.

''Bakit ba ang hard mo sa'kin?'' Naka-pout pa rin pero may kasama nang puppy eye.

''Aish! Ewan ko sa iyo. Ano ba talaga ang kailangan mo at ako ang pinagtri-tripan mo?'' Medyo tumaas na ang boses nya sa pakikipag-usap.

''Okay fine! I like you!'' Pang-aamin ni Cedric kasama ang seryosong boses at mukha. Napama-ang na lang sya sa narinig pero bago pa man sya sumagot, may nauna nang sumagot para sa kanya mula sa likuran nya.

''Sorry to turn down your feelings but... she's already married. And... she's mine!'' May halong diin ang pagkakasabi ni Alex sa mga katagang yun at halos magkasalubong pa ang mga kilay habang nakatingin sa kanilang dalawa.

''A-Alex!''

''Hi, baby! Miss me?'' Nakangiti ng matamis na sambit nito sabay pulupot ng kaliwang braso sa kanyang baywang.

Pagkalingon nilang dalawa sa kinaroroonan ni Cedric, wala na silang makitang tao. At doon din bumitaw sa pagkakapulot ng braso ni Alex sa kanyang baywang.

''Alex!'' Tawag nya sa papalayong bulto nito pero hindi ito lumingon at ipinagpatuloy na lang ang paglalakad. Hahabulin na sana nya ito pero...

SPLASH!

Nang dahil sa pag-iwas sa batang tumatakbo pabangga sa kanya, yun na ang naging dahilan para mahulog sya sa swimming pool na may lalim na ten feet.

***

''Alex!'' Tawag sa kanya ni Impress pero sya lumingon. Mayroon kasi syang gustong marinig mula dito.

SPLASH!

Dinig nyang tunog ng tubig na syang naging dahilan ng pagbilis ng tibok ng puso nya pero ipinagsawalang bahala nya ito.

''Alex!'' Naging sigaw na ang pagtawag nito sa kanya pero hindi pa rin sya lumingon. Bagkos ay ipinagpatuloy nya ang paglalakad pero mas mabagal kumpara kanina.

''Alex!''

''Ano ba!''

''Alex!''

Habang mas tumatagal, pahina ng pahina ang pagtawag nito sa kanya na ipinagtaka nya. Itutuloy pa sana nya ang paglalakad pero nagtakbuhan na ang mga tao sa paligid papuntang likuran nya.

''Shit! Tulong! May nalulunod!'' Sigaw ng matinis na boses ng isang babae. Doon na mas bumilis ang pintig ng kanyang puso.

''Baby!'' Mahina ang pagkakabanggit ng kanyang asawa sa katagang yun pero sapat na para marinig nya.

Pagkalingon nya sa kinaroroonan ni Impress kani-kanina lang, halos lumabas na sa kanyang katawan ang puso dahil sa kaba. All he want to do that time is to save her wife from drowning.

***

SPLASH!

Another splash has been heard. At doon na nasaksihan ng mga tao ang pagtalon ng isang lalaki para lang maisalba ang babae sa pagkakalunod.

''Sorry, baby! P-Please wake up!'' Tarantang saad ni Alex habang ginagawa ang lahat para ilabas ang tubig mula sa babae.

''P-please! You can't leave me!'' Sigaw ni Alex. Nagsisimula ng mag-init ang mata nya dahil sa takot na mawala ito.

Halos ilang minuto na ang lumipas pero walang tigil pa din sa pag-c-cpr si Alex.

*Cough! Cough! Cough!*

''Thanks god!'' Deretso na syang yumakap sa asawa nang magkaroon ito ng malay.

***

-TBC

@assasin05

Sorry po ulit sa short update! Bawi na lang po ako sa susunod! ^_^

Deceiving Mr. Devilish Billionaire [R-18]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon