Chapter 11√

4.3K 131 15
                                    

Chapter 11

Ms.Samonte POV:

Dear diary,

Tatlong araw na ang nakalipas simula mangyari ang pagpunta namin ni Sir sa private restaurant, kung saan naging masaya ang pagkain naming dalawa roon.

Isa lang talaga ang masasabi ko diary, kundi ang swerte ko!
Oo, ang swerte ko nga!
Dahil nitong nakaraang araw, sobrang malambing at maalaga ni sir sa akin.

Kahit busy siya kay Angelica sa pag-asikaso sa pageant, lagi niya akong chinachat.

Syempre, kilig na kilig naman si akes dahil kahit walang kami, kung itrato niya ako para akong isang prinsesa ng buhay niya.

Sige diary, hanggang dito na lang muna.
May kumakatok kasi sa pinto ng apartment at baka si Sir na 'yon. Nauna kasi akong umuwi sa kanya dahil marami siyang ginagawa. And besides, meron na akong duplicate key ng apartment kaya hindi na ako tumagal pa sa campus.

So bye, bye diary.
____

Mabilis kong iniwan ang aking notebook para pumunta ng pinto.
Kaya nang makalapit ako, agad ko itong binuksan.
At bumungad nga sa akin ang mukha ni Sir na may dalang  pagkain na take-out niya sa Jollibee.

"Dumaan ako sa Jollibee dahil naisipan ko na baka 'di ka pa kumakain Ms.Samonte.", wika nito.

"Ah p-paano mo nalaman Sir?",

"Paanong hindi ko malalaman Ms.Samonte kung pag-open ko ng facebook lagi ka ring online, kahit nasa oras ng klase mo.", saad niyang muli.

"Ah hehe.", kamot na sambit ko sa aking ulo.

"Halika na. Kumain ka na.", tanging bigkas ni Sir.

After niyang sabihin 'yon, pumasok na siya sa loob.

"Ehh--",
Hindi ko na naituloy ang aking sasabihin nang bigla niya akong hilahin dahilan ng pag-upo ko. Siya na rin mismo ang nagserve ng pagkain para sa akin.

"Ubusin mo lahat 'yan Ms.Samonte.",

"Ho? Ako lang?",

"Yeah.",

"Eh ikaw Sir?", tanong ko sa kanya.

"Kumain na ako kanina kaya sa'yo na 'yan.", sagot nito sa akin.

"Pero Sir-- 'di ko kayang ubusin lahat ng 'to.",

"Then I dont care Ms.Samonte.", sambit niya muli.

"Sir--",

"Shut up and just eat."  seryosong sabi nito.

"Eh kasi--",

"Mamili ka Ms.Samonte, kakainin mo 'yan o ikaw ang kakainin ko?", pananakot na tanong ni Sir.

Awtomatikong napatikom ako ng bibig at napayuko dahil sa kanyang sinabi.
Tila dumikit ang pwet ko sa upuan. Potah!

Kain ako ng kain at 'di ko nagawang tumingin pa sa mukha ni Sir. Kahit hindi man nakatingin ang mata ko sa kanya, alam kong nakatitig siya sa akin.

"Hahaha. Very good Ms.Samonte. Kainin mo lahat ng 'yan para tumaba ka.", natatawang wika nito kaya hindi na ako umimik pa.

"By the way Ms.Samonte, mamaya ibigay mo sa akin ang email at password ng facebook mo.", biglang saad niya dahilan para mapatitig ako sa binata.

"Ho?",

"Ako na ang gagamit ng facebook mo Ms.Samonte.",

"Pero---",
"--Sabi ko nga Sir ibibigay ko sa'yo mamaya hehe.", pagpapayag ko na lamang nang tingnan niya ako ng nakakatakot.

"Good.",
"--Naniniguro lang ako Ms. Samonte. Baka kasi may ibang lalaki na nagkakagusto sa'yo.",

Tanging paglunok tuloy ng laway ang aking nagawa sa mga oras na 'to.

Patay! Kachat ko pa naman ang bestfriend kong lalaki!

____

Hindi ko alam kung pa'no ko naubos lahat ng pagkain.
Ang tanging alam ko lang ay lutang ang aking isipan.
Iniisip ko kasi na baka magalit si Sir kapag nakita niya ang chat naming dalawa ni Bespar.

Nang matapos akong kumain, nakalahad na agad ang kamay nito para kunin sa akin ang cellphone ko.

Nagdadalawang isip ako na ibigay 'yon. Kaya naman tiningnan niya ulit ako ng nakakatakot.

"Kailangan mo ba talagang buksan ang facebook ko Sir?",

"Yeah. So akin na 'yan Ms.Samonte.",

"Pero kasi Sir, 'di naman tayo ah. Kaya bakit parang--",

"MS.SAMONTE.", mariing bigkas niya sa aking pangalan.

"Oh ayan na.", galit na saad ko kasabay ng pagbigay ko ng cellphone sa kanya.

"Email?", he asked.

"QueenSam ang emali ko kaya i-type mo na lang d'yan Sir.",

"Okay. Then, ano yung password mo?", tanong niya muli.

"Secret Sir.",

"Ms.Samonte hindi ako nakikipagbiruan.", seryosong sabi nito.

"Sir, sectet nga.",

"Miss Samon--",

"Putek naman Sir oh! S-E-C-R-E-T. Secret nga po ang password ko. Hays.", inis na turan ko.

"You mean, word na secret?",

"Paulit-ulit Sir? Ano 'to? Unli call tayo? Ganon?",

"Tsk.", sambit niya at tinype na ang password ko.

Tiningnan ko naman ang reaction ni Sir.
Siguro nabuksan na nito ang facebook ko dahil biglang umiba ang ekspresyon ng kanyang mukha.

Isa.
Dalawa.
Tatlo.
Apat.
Lima.

"One week Ms.Samonte, hindi ka gagamit ng cellphone mo.", sabi nito na seryosong nakatingin sa mata ko.

"ANO?! Sir naman, wala 'yan sa usapan natin!",
Isang malakas na sigaw ko pero 'di nya 'yon pinansin sa halip, tumalikod siya sa akin.

Syempre, hindi ako papayag.Kaya sinundan ko ang binata.

"Sir, hindi pwedeng one week. Kahit two days mo akong pagbawalan na 'wag magcellphone, okay lang sa akin. Pero yung one week? Sir naman.", pagmamaktol ko.

"Kapag sinabi ko, hindi ko na babawiin pa Ms.Samonte.", buong desisyong sambit nito.

"Pero Sir , hindi nga pwede dahil--",

"Dahil may katagpuan ka sa sunod na sabado, tama ba Ms.Samonte?", inis na tanong niya at siya na mismo ang dumugtong ng sasabihin ko.

"Sir, kaibigan ko lang 'yon.",

"Kaibigan mo nga siya Ms.Samonte. Pero ang tanong,  kaibigan ba ang tingin niya sa'yo?",

"Sir--",

"Lalaki ako Ms.Samonte kaya alam ko ang mga galawang lalaki. At ilang ulit ko bang sasabihin sa'yo, gusto ko akin ka lang.", wika nito.

"Sayo lang naman ako Sir. 'Yon nga lang, nalilito ako kung ano bang meron tayo?",

Dahil sa sinabi ko, bigla siyang lumapit sa akin. Yung tipong malapit na malapit talaga.

"Gusto mong malaman kung anong meron tayo?",
"---Well Ms.Samonte, hindi ko rin alam kung anong meron tayo. But one thing I know,takot akong agawin ka ng iba sa akin.",
sambit nito habang ang kanyang mukha ay nakatapat na rin sa aking mukha.

Halos napanganga tuloy ako sa katagang binitawan ni Sir.

_____
END of CHAPTER 11

"Dear Diary, Inlove ako kay Sir"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon