Chapter 6
Ms. Samonte POV:
Hindi na sana ako gagalaw pa sa aking kinatatayuan kaso bigla akong hinila ni Sir paupo sa kanyang tabi.
Kaya naman pilit na rin akong kumain para makaligo na.
Isinantabi ko muna ang sinabi nito kanina.
At 'di rin nagtagal, naligo na nga ako. Minadali ko lang ang pagsabon sa aking katawan dahil medyo malamig ang tubig."5 minutes and 21 seconds? Ganyan ka ba kaikli maligo Ms.Samonte?", tanong ni Sir nang makalabas ako ng banyo.
"Huh? Teka, ino-orasan mo ba ang pagligo ko?",
"Hindi pa ba halata Ms.Samonte?", balik na bigkas niya sa akin.
"Che! Ewan ko sayo Sir. And besides, nagmamadali lang ako dahil ayoko ng ma-late.", pagpapalusot kong sambit.
"Wow! Dinahilan mo pa talaga 'yan Ms.Samonte. Bakit 'di mo na lang kasi sabihin na takot ka lang sa tubig.",
"H--hindi kaya! Saka, pake mo ba ha?", mataray na sambit ko.
Nagsimula na akong mag-ayos sa sarili. At nang nang matapos, agad na kaming umalis ni Sir.
Gaya ng dati, sa kanyang kotse ako nakikisakay.
Oh 'diba? Feeling ko tuloy ang yaman ko.
Tahimik lang kaming dalawa habang nagmamaneho siya.
Kaso nga lang, wala pa sa gate bigla niya itong hininto."Pwede ka ng bumaba Ms.Samonte." saad nito nang balingan ako ng tingin.
"H--huh?",
"Sabi ko, bumaba ka na." pag-uulit na sabi niya.
"Pero malayo pa ang gate Sir.", pagmamatigas ko rito.
"Yah I know. Kaya nga pinapababa na kita. Kasi kapag nakita tayo ng ibang estudyante at mga guro baka bigyan nila ng malisya ang pagsakay mo sa kotse ko.", paliwanag ng binata.
"Sir naman, kahapon nga hindi ka nahiyang sabihin sa mga kaklase ko na kasambahay mo ako. At hindi ka rin nahiya na pasakayin ako sa kotse mo nung uwian. Tapos ngayon ka pa---",
hindi ko na naituloy ang aking sasabihin nang bigla siyang magsalita."Ms.Samonte pinaliwanag ko naman 'yon sa Principal kung ba't tayo magkasama. So now, kapag nakita nila ulit tayong magkasama at nakasakay ka sa kotse ko, baka masira lang ang buhay mo. At ayokong mangyari 'yon sayo. Okay?",
Para akong natulala sa sinabi ni sir.
Teka, tama ba ang pagkakarinig ko?
Ayaw ni Sir masira ang buhay ko?
Ibig sabihin ba nito, concern siya sa akin?
Oh My Gosh! Kinikilig ako!Ilang segundo rin akong nakatitig sa kanya bago ako bumaba ng kotse.
Okay lang kung lumakad ako papuntang gate.
Ang mahalaga, nalaman kong concern sa akin si Sir!
Concern sa akin ang first love ko!
Shit! Ang haba ng hair ko!Dahil nga't naka-kotse si Sir, mas nauna itong nakarating sa classroom. Kaya sa di-kalayuan, natatanaw ko na agad siya sa may pinto. And I just realized na kausap niya pala ngayon si Muse.
May pangiti-ngiti pang nalalaman ang demonyitang 'to kay Sir. Akala mo naman kung sinong maganda.
Dahil hindi ko na nakayanan pa ang aking nakikita, mabilis akong naglakad patungo sa kanilang pwesto.
Rinig na rinig ko pa ang tawanan nila na ikina-init lalo ng ulo ko.
"EXCUSE ME LANG PO HA? DADAAN AKO!", malakas na saad ko sa kanila. Sabay naman silang napalingon sa akin. Kaya taas-kilay kong tiningnan ang dalawa.
Pero 'di ko inaasahan na hahawakan ni Muse ang braso ni Sir at tumabi sa kanya. Umusog na rin ito ng konti para makalakad ako papasok.'Tsk. Pigilan niyo ako. Masasapak ko talaga ang babaeng 'to! Gigil niya si akess! Bwisit!'
"Samonte? Bakit 'di ka pa dumadaan? Kita mo naman sigurong nag-uusap kami ni Sir at nakakaistorbo ka.", isang wika ni Angelica sa akin.
Oo nga pala, hindi pa kasi ako humahakbang papasok dahil nakatingin pa ako sa kanila."Sa pagkakaalam ko MS. D. MUNYO, oras na para maglesson si Sir. So tell me, sino ba sa atin ang nakakaistorbo? Hindi ba ikaw?", baling na saad ko.
"Ms.Samonte!", sigaw ni Sir sa akin kaya awtomatikong napatigil ako.
"Pumasok ka na sa loob dahil may mahalaga kaming pinag-uusapan ni Angelica.", muling sabi nito.Tsk. Talagang kinampihan niya ang demonyitang 'yan!
Edi wow! Magsama sila!Lalakad na sana ako papasok, kaso bigla akong ininsulto ng Angelica na 'to.
"Good. Mabuti ngang pumasok ka na Ms.Samonte. Wala ka naman kasing ambag sa University natin. Kung sabagay, hindi ka naman pala maganda para piliin sa pageant dito sa campus.",
Dahil do'n, mas lalong kumulo ang aking dugo.
Pinigilan ko lang dahil akala ko papagalitan ni Sir ang babaeng 'to, pero HINDI!
Hindi niya man lang sinigawan!
My Gosh! It so UNFAIR!Kung inaakala ni Angelica na magpapatalo ako, pwess HINDI! Hindi ako papayag!
Mamayang break time, I shall return.Inis akong pumasok at umupo sa aking upuan. At do'n ko napagtanto na may nakasulat pala sa blackboard. Kita ko rin ang mga kaklase ko na busy sa pagsusulat. So kinuha ko na rin ang aking notebook at ballpen para magsulat.
Dahil mabilis tumakbo ang oras, dumating na nga ang pinakahihintay ko.
Ang BREAK TIME!Nagmadali akong pumunta ng cafeteria dahil nakita ko si Angelica na papunta roon so sinundan ko siya.
Ewan ko ba pero may lahi sigurong aswang ang taong 'to dahil naamoy niya agad na nasa likod ako.
"Hey, sinusundan mo ba ako?", she asked nang lumingon ito.
"Me? Myself? And I? OMG! Bakit ko naman gagawin 'yon? And besides, break time. So dito talaga ang puntahan ng mga estudyante. Hayy, isip-isip din kasi pag may time.", pagpapalusot ko.
"Tsk. Kilala kita Ms.Samonte kaya 'wag ka ng magdeny dyan.", mataray na sambit nito.
"Really? Kilala mo ako? Bakit, close ba tayo para makilala mo ako ng lubusan? Ah alam ko na, stalker yata kita. Tama ba?", ngising saad ko sa kanya.
"Ang kapal din ng mukha mo noh? Hindi mo ako stalker. And wait, sinundan mo ba ako para lang kalabanin dahil sa nangyari kanina Ms.Samonte?",
"Of course not. 'Wag kang assuming.", pagdedeny ko.
"Assuming? Ako pa talaga ang sinabihan mong assuming? For your information, ikaw 'tong assuming! Naging kasambahay ka lang ni Sir, masyado ka ng nag-assume! Akala mo ba 'di ko nahalata kanina na nagseselos ka? Oh come on Ms.Samonte, itatak mo rin minsan sa utak mo na mahirap kalabanin ang isang tulad kong maganda.", mahabang litanya nito sa akin.
"Maganda? Saan banda? Hoy MS. ANGELICA D. MUNYO, maputi ka lang pero 'di ka maganda! Tandaan mo rin 'yan ha!",
Isang malakas na sambit ang aking binitawan kasabay ng pagtaray ko.
Kumukulo talaga ang dugo ko sa kanya!_____End Of Chapter 6____
Follow me on wattpad: Binibining_Timoji
BINABASA MO ANG
"Dear Diary, Inlove ako kay Sir"
Novela Juvenil-Tunkol sa estudyanteng inlove sa kanyang guro na gusto rin pala sya-