Chapter 16
Ms.Samonte POV:
Mabilis kong pinulot ang cellphone kahit na ito'y basag at durog.
Hindi ko napigilan ang pagpatak ng aking luha sa mata.
Halos ilang taon ko ring inalaagan ang cellphone ko para lang 'di masira. Tapos sisirain lang ni Sir sa dahilan na galit siya?
Ngayon, nalaman ko na ang totoong ugali niya.
At dahil sa ginawa nito, nagising ako sa katotohanan na hindi siya karapat-dapat mahalin!Alam kong sasabihin ng iba na O.A ko masyado, pero PUTEK! Mahal na mahal ko ang cellphone na 'to.
Eto na lang kasi ang naiwang ala-ala ni papa bago siya pumanaw.
Regalo niya 'to nung araw ng graduation ko kaya masyado 'tong importante sa akin.Pinahid ko naman ang aking luha at lumabas na ako ng apartment. Dala ko pa rin ang aking cellphone kahit na ito'y 'di mapakinabangan.
Ayoko munang makita si Sir!
Ayokong makita ang mukha nito dahil galit ako sa kanya!Sir Nathan POV:
Nang makapasok ako sa aking kwarto, bigla akong nakaramdam ng pagsisi.
Sa totoo lang, hindi talaga ako galit. Masyado lang akong nagselos nang makita ko kung ga'no kasaya si Ms.Samonte sa kaibigan niya.
Alam ko na wala silang relasyon pero hindi ko mapigilan na 'di magselos.
Nung una, nagtitimpi pa ako para 'di mahalata ni Ms.Samonte na nagseselos ako. Kaso talagang matigas ang ulo nito at nagawa niya pa akong sagutin.
Nailabas ko tuloy ang selos ko nang wala sa oras.Narinig ko na lamang ang pagbukas ng pinto at pumasok si Bhie.
"Ano bang trip mo at nagawa mong sirain ang cellphone ni Ms.Samonte?", tanong agad nito sa akin.
Hindi ako umimik at hindi ko rin sinagot ang tanong niya."Di mo ba naisip na baka maging hadlang 'yon sa inyo?", muling sambit ni Bhie.
"I just can't control myself. I know na mali ang ginawa ko kanina pero--",
"Nasaktan mo si Ms.Samonte. Kaya ayon, lumabas siya ng apartment at hindi ko alam kung saan siya pupunta.
Tsk. Masyado mo kasing pinapairal 'yang selos mo.", inis na saad niya at 'di man lang ako hinayaan na magpaliwanag."I-im sorry.",
"Nah. 'Wag kang magsorry sa akin. Kay Ms.Samonte ka magsorry. Siya yung pinaiyak mo at hindi ako.",
"--Nasira tuloy ang plano ko.",
saad ni Bhie sa akin.Kasalanan ko nga ang lahat ng 'to!
Pa'no kung maglayas si Ms.Samonte at 'di na bumalik dito sa apartment?SHIT!
Mukhang hindi ko yata makakaya 'yon.Ms.Samonte POV:
Palakad-lakad ako sa may labas ng apartment at hindi ko alam kung saan ako pupunta.
Ang gusto ko lang makalayo muna kay Sir kahit isang oras.
Masyado na kasi akong nasasaktan.
Nasasaktan na ako na tila may halong pagsasakal.Maraming bawal.
Maraming hindi pwedeng gawin.
Kaya feeling ko sinasakal ako ni Sir sa dahilan na GURO at AMO ko siya.Napahinga ako ng malalim dahil sa naisip ko.
Kung titingnan para akong baliw dahil agaw pansin ako sa mga taong nakakakita sa akin.Tiningnan ko naman ang aking suot at do'n ko napagtanto na tila pambaliw nga ang damit ko. Isabay mo pa na 'di pa ako nanunuklay ng buhok.
My gosh! Napabayaan ko na ang aking sarili!
Dahil medyo napagod ako sa kakalakad, humanap muna ako ng mauupuan.
Sa gilid ng kalsada ako umupo at muli kong tiningnan ang aking cellphone na sirang-sira na.
"Kawawa ka naman. Mahirap tanggapin na wala ka na. Pero sa tingin ko, hanggang dito na lang tayo. Rest in peace sa'yo. Salamat sa ilang taon na nakasama kita.", malungkot na wika ko.
Nalulungkot talaga ako dahil nasira ang mahalagang bagay sa buhay ko.
Habang nagdadrama ako, may isang kotse namang huminto sa aking harapan.
Akala ko si Sir ang nasa kotse, yun pala ang kaibigan niya.Yes! Si gwapo na friend ni Sir Nathan na pumunta sa apartment dati.
"H'wag mong sanayin ang sarili mong malungkot dahil papanget ka nyan.", saad nito.
"Uy ikaw pala. T-teka, a-anong ginagawa mo rito?", tanong ko sa kanya.
"Hindi ko alam kung sasagutin ko 'yang tanong mo dahil 'yan sana ang gusto kong itanong sa'yo.", pahayag niya naman.
"H-huh?",
"I mean, dapat ako ang magtanong sayo n'yan. Ano bang ginagawa mo rito? Diba dapat nasa apartment ka ni Nathan ngayon?", pagbabalik tanong nito sa tanong ko.
"Tsk.", tanging bigkas ko.
Naalala ko kasi bigla yung ginawa ni Sir sa aking cellphone.
"Kung ayaw mong sagutin ang tanong ko. Okay lang.", sambit niya.
"Sorry. Galit kasi ako ngayon kay Sir.",
"And?", he asked.
"Ayoko munang makita siya. So heto, dito muna ako kahit isang oras lang.", patuloy kong sabi.
"Ikaw talaga Ms.Samonte. Ganyan ka pala magalit.",
ngiting saad nito."Tsk. Ewan ko sa'yo.",
Pagkasabi ko no'n, tumayo na ako at akma na sanang aalis. Kaso bigla itong nagsalita.
"Oh, akala ko ba dito ka lang tatambay? Ba't parang aalis ka na?",
"Ang dami mo kasing tanong. Wala pa naman ako sa mood makipag-usap ngayon.", asar na wika ko.
"Hahaha. Ganon ba? Sinasagot mo naman kasi ang mga tanong ko.", natatawang saad niya.
"Hays. Bahala ka nga.",
"Hey Ms.Samonte! Wait, masyado ka namang pikon. Ganito na lang, sumama ka kaya sa akin.", suhestyon niya.
"Sumama saan? Oi ha! Kahit gwapo ka, hindi pa rin kita pinagkakatiwalaan.", straight to the point na sabi ko rito.
"Wala akong gagawin na masama sa'yo Ms.Samonte. I just want to help you to be happy.",
"Sa madaling salita,
magbonding tayo.", kindat na bigkas niya.Tiningnan ko naman ang kanyang mukha at bakas dito ang pagsasabi ng totoo.
Ilang minuto rin akong nag-isip bago ako pumayag sa gusto niya.Baka sa tulong nito, maibsan ang lungkot sa aking puso.
©TimojiWP
Author's Note:
Hi guysss, sorry kung matagal akong mag-update dito.
I hope you understand.
Thank you 'Ojiee babies'
BINABASA MO ANG
"Dear Diary, Inlove ako kay Sir"
Novela Juvenil-Tunkol sa estudyanteng inlove sa kanyang guro na gusto rin pala sya-