Chapter 23

3.5K 104 1
                                    

Chapter 23

Sir Nathan POV:

Mabilis na lumipas ang oras,namalayan ko na lang na uwian na pala.

Dahil nga last subject na ang tinuruan ko, nagpaalam na ako sa kanila nang matapos kong maglesson.

Sa oras na ito, gusto kong makita si Ms.Samonte. Gusto kong makita ang mukha ng babaeng nililigawan ko.

Kaya napagdesisyunan ng paa ko na pumunta ng classroom para masilayan ang dalaga.

Hindi naman siguro magtataka ang iba kong estudyante dahil ako ang guro nila.

Nang makita palang nila ako na patungo sa room, kita ko ang mabibilis nilang kilos para bumalik sa kani-kanilang upuan.

Napatawa ako ng bahagya dahil nakita ng mata ko si Ms.Samonte na tulog mantika.

Halos sinusundot na nga siya ng mga kaklase para ipaalam na andito ako.
Pero nanatiling tulog ang babae.

So ako na mismo ang lumapit sa upuan niya para ako na ang gumising sa dalaga.
Tinapik ko siya ng marahan at inalis ko ang hibla ng kanyang buhok na tumatakip sa mukha nito.

"Ms.Samonte, uwian na. Gumising ka na d'yan.",
sambit ko habang sinusundot ang tagiliran.

Kaso nanatili itong walang imik na animo'y ang sarap ng tulog.

"Ms.Samonte, gumising ka kung ayaw mong palinisin kita dito sa classroom.", pagbabanta ko na sa kanya.

But still, tulog mantika pa rin siya. Dahil na rin dito, agaw pansin tuloy siya ng lahat n'yang kaklase.

"Sir, 'wag mo na s'yang gisingin. Masyado lang 'yan na papansin sa'yo noh. Duh! Tulog-tulugan lang siya.",
inis na turan ni Angelica sa akin.

"Ganon ba? Pero sa tingin ko, hindi siya nagpapanggap na tulog.",

Because of what I've said, hindi na nga nagsalita pa si Muse.

Tiningnan ko muli ang babaeng mahal ko, bago ako tumingin sa ibang estudyante. Sinabi ko sa kanila na pwede na silang umuwi dahil si Ms.Samonte na lang ang papalinisin ko ng room.

Nakita ko naman ang mukha ni Angelica na tila hindi maipinta.
'Di ko na lamang 'yon pinansin kasi alam kong medyo mainit talaga ang ulo nito sa dalaga.

Nang makalabas na ang lahat, ibinaling ko muli ang tingin kay Ms.Samonte na tulog pa rin.

"Ms.Samonte, wala na yung mga kaklase mo kaya gumising ka na d'yan. Anong oras na at kailangan mo na ring maglinis para makauwi na tayo.", wika ko rito.

"Ms.Samonte?", muling tawag ko.

"...",

"Hey, tulog ka ba talaga?",

"...",

"Ms.Samonte--",

"Aray ko naman Nathan! Dahan-dahan lang! You hurt my hair.", daing niya nang hawakan ko ang buhok nito para i-angat ang ulo.

"K-kanina ka pa gising Ms.Samonte?",

Sa puntong ito, parang nakompirma ko na totoo nga ang sinasabi ni Muse.

"Bakit Nathan? Hindi ba halata?", bigkas nito.

"Akala ko talaga nakatulog ka na.", tugon ko naman.

"Acting lang 'yon noh. Narinig ko kasi sa mga kaklase ko na parating ka. So ayon, nag-akto ako na tulog. Hihihi.", pilyang tawa niya.

"Tsk. Kaya pala sinabi ni Angelica na papansin ka lang sa akin.",

"Hmm. Hindi naman noh. At kahit 'di ako mag-acting na tulog, papansinin mo pa rin ako diba? Kasi love mo ako.",
malambing na saad ni Samonte.

"Dear Diary, Inlove ako kay Sir"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon