Continuation Chapter 46

998 41 0
                                    

Ms. Samonte POV:

Para akong napahiya dahil sa panghuhusga ko sa binata.
At the same time, nalungkot ako kasi pinag-isipan ko siya ng ganon.

Pero kahit sino naman siguro, ganito ang takbo ng isip kapag nakakita ng condom diba?

And because of this, medyo nagtampo sa akin si Nathan.
Kaya napayuko ako kasabay ng paghingi ko sa kanya ng sorry. At sinabi niya naman na okay lang.

Pero deep inside alam kong hindi 'yon okay para sa kanya.

Naging tahimik tuloy ang loob ng kotse habang nagmamaneho siya.

So ang tanging ginawa ko ay manahimik na lang.

I realized na nakakasakit din pala ang lumalabas sa bibig ko eh.
___

Tumagal lang naman ng 20 minutes ang byahe, papunta sa resort na sinasabi niya.

Kaya nang makababa ako ng kotse, ay napamangha agad ako sa mga tanawin.

"Ang ganda pala ng resort na to.", sambit ko habang iniikot ang tingin ko sa paligid.

"Yah.",

"Ahm, bakit mo pala naisipang dito tayo magdate?", curious kong bigkas.

"Ipasok na muna natin ang gamit sa may room.", pag-iiwas niyang saad.

So I don't have choice kundi ang tumango.

And it's okay, as long as kahit papano, kinakausap niya ako.

Well, obviously, halata sa kilos niya ang pagtatampo. Na animo'y hindi pa rin mawala sa isip nito ang sinabi ko kanina.

Nang malagay na namin ang gamit sa room, hindi na ako nagdalawang isip na yakapin siya patalikod.

Alam ko kasi na mali yung panghuhusga na ginawa ko.

"Sorry na. Sorry kung hinusgahan kita. Sorry na talaga baby.", malambing na sambit ko.

"Wala 'yon.", saad niya nang harapin ako.

"Kung wala 'yon, bakit ganyan ang akto mo sa akin ngayon?", ngusong saad ko.

"Ikaw talaga. Medyo praning ka naman. Hindi ako galit. At hindi rin ako nagtatampo.", he said.

"Talaga ba? Seryoso ka?", paniniguro ko pa rin.

"Yah.", tugon niya at piningot ang ilong ko.
"-Pero aaminin ko, medyo nasaktan ang ego ko sa sinabi mo.", pagpapatuloy niya.

"Edi galit ka nga saken.", malungkot na turan ko sa binata.

"Hahaha. Hindi nga ako galit baby. Iba ang galit sa nasaktan.", pagpapaliwanag niya.

"Ganon ba 'yon?",

"Yeah.", he replied as he kissed me.

"Halika, at ililibot kita sa resort para makita mo ang ibang magandang tanawin dito.", sambit niya at hinawakan ang kamay ko.

"Woahh! Gusto ko 'yan!", ngiting sigaw ko.

Gaya ng sinabi ni Nathan, nilibot niya nga ako sa kabuuan ng resort.

Syempre holding hands kaming dalawa.

Walang label pa ang relasyon namin, pero alam namin sa isat-isa na espesyal ang aming turingan.

And beside, may araw na akong sinet para sagutin siya.

Yes, balak ko na siyang sagutin sa sunod na linggo.

___
END OF CHAPTER 46

"Dear Diary, Inlove ako kay Sir"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon