CHAPTER 39
Ms. Samonte POV:
Nagtagal ng ilang minuto ang posisyon namin ni Nathan.
Well, para sa iba bibigyan nila ito ng maduming malisya. But for me and for Nathan, walang mali kung ganito kami.
As long as, we know our limitation.
Nang marinig ko ang mahinang hilik ng lalaki ay bahagya akong napangiti.
Dahil sa wakas, makakatayo na rin ako.
Senyales na kasi ito na tulog na siya.
Kaya dahan-dahan akong tumayo, dahil medyo nahihirapan na rin akong huminga.
Syempre, lumabas muna ako ng kwarto para kumuha ng tubig panghilamos sa binata.
Nangangamoy alak na rin kasi ang damit niya, so I decided na palitan siya.
And after that, muli akong tumabi sa lalaki.
At ako na itong yumakap sa kanya habang nakaunan ako sa kanyang dibdib.
Sa totoo lang, gusto kong matulog na katabi si Nathan.
At lalong gusto ko, na sa pag-gising ko, siya agad ang bubungad sa aking mata.___
Mabilis na lumipas ang oras, kaya panibagong araw na naman.
Wala pa sana akong balak na tumayo, kaso naramdaman ko na tila may pumipindot sa aking pisngi.
Kaya napangiti ako nang masilayan ko ang napakagwapong nilalang.
"Goodmorning baby.", ngiting bati niya.
"Goodmorning din sa'yo. Kumusta ang tulog mo?", balik na turan ko.
"Ayos naman. At masarap ang tulog ko dahil katabi kita.", pahayag niya sa akin.
"Suss, anong gusto mong kainin na almusal?", I asked him nang umupo ako.
"Ikaw.", diretsang sagot nito na may kasama pang kindat.
"Nathan-?!", pagbibigkas ko sa sobrang gulat.
"Hahaha joke lang. Siguro, kahit ano na lang, basta luto ng magiging asawako.", pagbabawi nitong sabi.
"Hindi pa nga kita dyan sinasagot as a boyfriend, nakapunta ka na agad sa pag-aasawa.", wika ko naman.
"Excited na kasi ako baby. Pero kailan mo nga ba ako sasagutin?", pagtatanong niya.
"Secret hahaha.", mapang-asar kong tugon.
"Andaya mo. Ayaw mo lang yata akong maging boyfriend eh.", tampong sambit nito.
"Hindi naman sa ganon, Nathan. You know, hindi naman minamadali ang love. The important is, we can wait for each other naman diba?", bigkas ko sa binata.
"Yah. I can wait and I will wait.", saad niya sa akin.
"Yieeee. Thank you. At dahil dyan, magluluto na ako ng almusal natin nila bhie.", masayang tugon ko.
Akma na sana akong tatayo, kaso bigla akong pinigilan ng lalaki.
"Teka lang baby.",
"Bakit?",
"May nakalimutan ka.", pahabol niyang sambit.
"Huh?",
"Kiss ko?", ngisi n'yang turan.
Kaya nakaisip naman ako ng kalokohan para makaganti ako.
"Pikit mo ang mata mo.", saad ko na kaagad niya namang sinunod.
BINABASA MO ANG
"Dear Diary, Inlove ako kay Sir"
Genç Kurgu-Tunkol sa estudyanteng inlove sa kanyang guro na gusto rin pala sya-