Chapter 10
Ms. Samonte POV:
Napatulala ako dahil sa katagang binitawan ni Sir.
At para hindi niya mahalata ang pagblush ng aking pisngi, tumawa ako ng malakas.
Yung tawa na may kasabay pang palakpak para matakpan ang pagkapula ko.Syempre, maging si Sir naweirdohan sa ginawa kong pagtawa. Akala niya siguro nababaliw na ako.
At habang tumatawa ako, pinalabas ko muna siya. Sinabi ko sa kanya na magpapalit lang ako ng damit kaya bahagya kong sinarhan ang pinto. Hindi ko ito ma-lock dahil nga't nasira 'yon ni Sir. Ang lakas kasi ng pagkasipa niya, kaya ayan tuloy nadamay ang lock ng aking pintuan.And to be honest, hindi talaga ako makapaniwala sa sinabi niya.
Hindi ko lubos maisip na sasabihin niya 'yon sa akin .Feeling ko nga parang totoo talaga kasi seryoso siyang nakatitig sa akin habang sinasambit 'yon.
Pero teka, totoo ba talaga?
O baka naman pinapaasa niya lang ako.
Mahirap na, masyado siyang pa-fall.
Kung makapagsalita siya, akala mo boyfriend ko.'Ayaw niya akong sumuot ng maikling short.'
'At kapag na-fall daw ako sa kanya, handa niya akong saluhin.'Oh diba? Ang weird!
Wala kaming relasyon pero parang may label.Nagpalit na nga ako ng damit at matapos no'n, lumabas na ako ng kwarto.
'Di ko inaasahan na nasa gilid ng pinto naghihintay si Sir sa akin.Side-view palang ang tangos talaga ng ilong niya.
Kyaaaaah!
Wala ng tatalo pa sa kagwapuhan ng first love ko!"So tara na?", sambit nito sabay lahad ng kanyang kamay.
OMG! Gusto niya akong makaholding hands palabas.
Shet, kinikilig tuloy ako.Dahan-dahan ko namang linahad papunta sa kanya ang aking kamay. At pakiramdam ko, nagkaroon ng kuryente ang palad naming dalawa.
Sabay na nga kaming lumabas ng aparment at sumakay ng kotse.
"Mabuti naman at medyo mahaba na 'yang suot mong damit.", sambit nito habang nagdadrive.
"Ah yes Sir. Sabi mo kasi palitan ko.", tugon ko sa kanyang sinabi.
"Good. Ayoko lang makita ng iba ang dapat nasa akin.", mahinang saad niya.
"Ho?",
"Nothing Ms.Samonte.",
"Ah okay po Sir.", bigkas ko na lamang.
"Nga pala, bukas hindi ako makakapasok ng first period sa class niyo.", wika nito.
"B-bakit naman ho Sir?", I asked.
"Busy lang ako sa pag-asikaso sa pageant ni Angelica.", sagot niya sa aking tanong.
"Ahh. K.", walang ganang sambit ko.
Awtomatikong napatingin siya sa akin.
"Anong mukha 'yan Ms.Samonte?",
"Maganda Sir.", proud na bigkas ko.
"Pilosopa.",
"Hindi kaya. Totoo naman na maganda ako ah. Palibhasa kasi--",
"Palibhasa ano?",
"Palibhasa kasi hindi ka marunong tumingin sa maganda. Ah oo nga pala, hindi pala ako maganda sa paningin mo.", mataray na saad ko rito.
"Hindi ka naman talaga maganda Ms.Samonte.",
"--Hindi ka maganda, dahil dyosa ka. Tandaan mo 'yan Ms.Samonte.", kindat nitong sabi.Palihim tuloy akong ngumiti dahil sa sinambit ni Sir.
Hindi raw ako maganda dahil dyosa ako?
Omeged. Kenekeleg eke. Enebe.
Feeling ko parang hinahabol ng kabayo ang puso ko.
Simula sa kwarto at hanggang ngayon, ang dami niyang banat sa akin.Ilang minuto rin ang tinagal ng pagmamaneho ni Sir bago kami nakarating sa lugar na kakainan namin.
Kaya lang nagtataka ako nang makita kong kokonti lang ang mga kumakain dito.
'Bakit kaya?', 'yan sana ang gusto kong itanong kay Sir pero tila nasagot na 'yon nang magsalita siya.
"Andito tayo sa private restaurant kaya konti lang talaga ang mga tao rito.",
"Ahm, b-bakit dito tayo pumunta Sir?", takang tanong ko sa kanya.
"Dahil ayokong may makakita sa atin na ibang guro at estudyante. Kasi alam kong bibigyan nila ng malisya ang pagsasama natin. Gaya ng sinabi ko sa'yo nung una, ayokong masira ang buhay mo Ms.Samonte.", muling sagot nito sa akin.
Naiitindihan ko naman si Sir. Isa sa mga bawal ang magkaroon ng relasyon ang guro at estudyante.
Kahit na sabihin natin na WALA kaming relasyon ni Sir, mahirap na. Sa panahon kasi ngayon, marami ng mapanghusga. At baka gawan pang chismis 'yon para lang masira ang buhay ng isang tao.
Oh my gosh!
Hindi ko na kaya.
Masyado na akong nafa-fall kay Sir."So, let's go?", aya nito sa akin at linahad niya muli ang kanyang kamay.
Eto na nga ba ang sinasabi ko, talagang na-adik na si Sir sa kamay ko.
At gusto niyang holding hands kami lagi.
Wala ng paligoy-ligoy at mabilis kong linahad ang kamay ko papunta sa kamay niya.Nang makapasok na kami sa loob. Halos bilang ko lang talaga ang mga tao.
May mga grupo din ng lalaki na nakatingin sa---
teka, sa akin ba sila nakatingin?"Tsk. 'Wag na lang pala tayo dito.", biglang sabi ni Sir na tila ba may pagkainis sa boses.
"H-huh?",
"Sa iba na lang tayo kumain.",
"Pero--",
"Ms.Samonte, 'wag ka ng magsalita pa. Nagkausap na tayo kanina diba? Na ayokong may tumitingin sa'yo, lalo pa't hinuhubaran ka nila gamit ang mata.",
"Hinuhubaran? Sir naman, may damit ako. At kailan ka ba nakakita na mata ang gamit sa paghubad ng damit?", pilosopang wika ko.
"Tsk.",
"And besides, kasama naman kita. At higit sa lahat, sa'yo lang naman ako.", ngiting bigkas ko sa kanya.
Potah! Ang landi ko!
"Then good Ms.Samonte. Dapat lang na sa akin ka lang.",
Sa sinabi ni Sir, napagdesisyunan namin na doon na kumain.
Sa gabing ito, sobrang saya ang naramdaman ng aking puso.Wala kaming relasyon ni Sir pero ang pagsasama namin may label.
_END OF CHAPTER TEN_
BINABASA MO ANG
"Dear Diary, Inlove ako kay Sir"
Ficção Adolescente-Tunkol sa estudyanteng inlove sa kanyang guro na gusto rin pala sya-