Dahil sa success ng album namin ni Chanyeol-- nauna yun na nirelease kesa sa mismong album namin, mamaya pang hating gabi idodrop ang album namin-- we were forced to throw a beach night party at ininvite ang mga groups na nasa Beach Camp Idols, maliban na lang sa Sunflowers.
Hindi ako mapakali knowing that nandito rin ang Bangtan, nandito din si Yoongi. Hindi ako mapakali dahil as much as I wanted to talk to him, hindi pwede dahil we are through.
Nakaupo na ako sa itaas ng van ng Dreamcatchers, habang nakatingin lang sa stars. I was holding a cup of strawberries, at may jar din ng nutella sa kabilang kamay.
I was enjoying my food when I heard my phone vibrate endlessly signalling a call. Sinagot ko naman yun, still eating.
"Yah, sino ka man, bakit ka tumatawag?" Tanong ko, at narinig ko naman ang tawa sa background. Narealize ko na si Jimin pala yun, sa tawa pa lang. "Bakit tumawag ka aso? Namiss mo ba ako?"
Tumawa naman siya lalo bago ako sinagot.
"Namiss kita pero hindi yun ang pakay ko ngayon. Pwede ka bang magpunta dito sa may ferris wheel sa beach? Ngayon na? May kailangan lang," sabi niya, kaya naman napakunot ang noo ko. Oo nga pala, merong ferris wheel dito.
"Para saan? Mamaya pagtripan mo nanaman ako, a? Sinasabi ko sayo, mapapatay kita," sabi ko, at tumawa naman siya.
"Crazy, hindi. Bakit hindi ka nalang kaya magpunta para malaman mo? Pumasok ka na din agad sa cabin." Sabi niya, and I sighed. Tama.
"Fine. Hintayin mo ako," sabi ko, and he ended the call.
Agad naman akong bumaba sa tuktok ng van at pinagmasdan ang mga kaibigan namin na naglalaro at naghahabulan na parang nga bata. Nagtatayaan pa si Yugyeom at Jungkook.
Inilingon ko yung paningin ko at nahagip nun ang ferris wheel. Dahan dahan akong naglakad tungo dun, at pinakiramdaman ang buhangin sa mga paa ko.
Pakiramdam ko, ang sarap na maglakad dito tuwing gabi. Para bang kahit na buong araw akong magpractice basta ang kahahantungan nun ay gabi gabi pagtapos dito ako magpupunta para i-cleanse ang mind ko.
Nung makarating na ako sa loob ng cabin ay umupo lang ako ng maayos. Naghintay ako ng ilang sandali at bigla namang may pumasok na dun at isinara na ang cabin.
Hindi ko muna nakita kung sino yun, kaya naman kinakabahan ako. Paano kapag rapist to o kidnapper or what? Baka naman terorista? Tangina. Lagot ako nito.
Nung makaharap sa akin yung invader ay nalaglag ang panga ko. Nag-umpisa na din sa pag-andar yung ferris wheel kaya kahit anong gawin ko ay wala na akong takas.
Umupo siya ng maayos sa tabi ko, kahit na meron namang seats sa harapan ko.
"Yoongi. Bakit?" I asked, my voice dripping with disappointment. I heard him clear his throat, pero hindi ko yun pinagbigyang pansin.
Tumingin nalang ako sa maliwanag na buwan at sa mga nagkikislapang mga bituin. It really is funny how stars used to be our own thing. Sumumpa na wala nang hesitation and will take every chance we lost back, pero agad naman na sumuko.
Hindi ko na din alam. Pero alam ko gustong gustong gusto ko pa din siya. I want to feel his kisses again, pero ayaw ko naman na maranasan ulit yung sakit na marinig galing sa kanya na ayaw na niya ng biglaan.
"I wanted to say na kahit na wala na tayo, mahal pa din kita. Hindi ako makikipagbalikan, kasi alam ko na we rushed ourselves. Aminin man natin o hindi. Nabulag tayo sa pagmamahal natin sa isa't isa dati. Gusto ko lang sabihin na mahal na mahal kita, at hindi yun magbabago, but we don't have to be with each other right now. I think we shall find ourselves first. Hanapin natin kung ano ba ang mga pagkukulang natin sa isa't isa." Sabi niya, at tumango naman ako.
He was right. In every aspect, in every angle. He was right.
We were both besotted. We rushed ourselves and we became too reckless with our love. We set aside our senses dahil lang sa euphoria na naranasan namin sa isa't isa. We were too intoxicated by the feeling of love, by the feeling of being able to love each other with labels.
I smiled softly and bitterly at the same time.
Ang tanga ko pa din pala hanggang ngayon. Akala ko nabago na yung dating Charlene Park, pero hindi pa rin pala.
I still thirst for the feeling of being loved back.
But he made me realize na kahit na ganito ako, meron pa ding magmamahal sa akin, meron pa ding magmamahal sa akin at sasabihin na I can be worth the pain kahit na hindi niya panindigan ng buong buo.
At least I experienced the feeling of being loved back by this man beside me, right?
No. Because I know sooner in life, I will not be contented.
"You're right, Yoongi, we did rush ourselves. We did become slaves of love. Alam ko yan. Although can't you put it a bit more nicer? Seriously, hindi ka magrereply for a week and then the next thing I know, nagreply ka nga pero nakikipag-break ka na?" Sabi ko, and he nodded.
"I know. Kaya nga kapag tinanong ako kung ano ang pwedeng itapon ko na mahalaga sa akin, itatapon ko nalang yung sarili ko," sabi niya, looking up at the stars. Glass kasi ang ceiling ng cabin na ito, kaya kitang kita mo ang pagkinang ng mga mata.
"At kung mamalasin ka nga naman, stars nanaman ang witness natin sa gabing to. Sinasadya ba?" I muttered, and he chuckled right next to me.
"Maybe because our names were written on the stars. Pero hindi pa natin pwedeng abutin ngayon. Abutin siguro natin, soon. After ilang years nanaman. Pero hihintayin kita. Gomapta. For everything," sabi niya, and I felt a tear slip down my cheeks.
"Tangina ka Yoongi Mendez. Bakit ikaw pa yung minahal ko? Tangina. Kahit murahin mo ako mamahalin ko pa din yung boses mo." Sabi ko, at nagchuckle nanaman siya but it was bitter.
"Minumura mo nga ako ngayon pero hulog na hulog pa din ako sayo e," he whispered into the night and I rolled my eyes.
"Marupok," sabay naming sabi, and we both laughed at each other.
Somehow, the atmosphere changed and it turned into a comforting one. I felt his hand reach for mine and I let him be.
"Hey, I will wait for you. Will you wait for me?" Sabi niya, at tumango naman ako.
"Kapag natapos ang tour namin at ikaw pa din ang gusto ko-- which is most probably what will happen naman-- tangina ka talaga. Akin ka na," sabi ko, looking out towards the window and I heard him chuckle.
"Japan ang last destination, di ba? Hihintayin kita dito sa Korea. Kung ikaw pa din yung mahal ko, which is most probably what will happen din, akin ka na talaga. Aangkinin na kita. Wala na akong pakialam kahit na sino pa yang past mo o ano pa yung past mo basta akin ang present at future mo," sabi niya, and I felt my tears roll down my eyes again.
"Thank you. I... love you," sabi ko, at binigyan niya ako ng isang matamis na ngiti.
"Mas mahal kita, tanga," sabi niya, at nagseryoso naman yung mukha ko.
"Bobo. Ang ganda ng moment sinira mo," sabi ko, at nagchuckle.
"Tinuloy mo naman?" He whispered, and then leaned in. "Can I kiss you one last time?"
Without hesitating, I nodded at him, at hindi na rin siya nag-atubili pa at inilapat ang mga labi sa akin.
Our lips molded against each other at nakahawak siya sa magkabilaang pisngi ko. My hands were on his shoulders, and I felt his hands snake down on my waist.
"Baby, sit on my lap," he said, and I did.
"Marupok ka talaga," I whispered, and we both chuckled as he connectes our lips again.
He was pulling me closer towards him, and I felt my heart beating faster like it did when I first realized that I was in love with him.
And after that, he left again, and I closed my eyes as the tears dropped from my cheeks.
Hindi nga kami ngayon, but...
At least we were under the same stars.
YOU ARE READING
stars ♧ min yoongi semi-au [ UNDER EDITING ]
Fanfiction♧ bangtan series #1 ♧ "at least, we're under the same stars," everyone who is a fan of dreamcatchers, a world-famous girl group, knew na may gusto si charlene, one of the members, kay yoongi mendez ng bangtan. but when she officially got over him...