stars ; twelve - jealous

31 1 0
                                    

I felt someone shaking me awake, kaya naman I opened my eyes at nakita si Yoongi na nakatingin sa akin. I looked past him, at nakita nanaman ang mga stars. Stars.

Parang lagi yatang stars ang nagpapatagpo sa amin?

Once nakita na niyang nakagising na ako ay umayos na siya ng upo at ipinatong ang mga kamay sa mga tuhod habang pinagmamasdan din yung mga bituin na pumapaibabaw sa amin.

I sat up properly and rubbed my eyes, and then looked down.

"Why did you wake me up? Where is Jimin?" I asked, at narinig ko ang paghinga niya ng malalim.

"Pinapasok ko na sa tent. He seemed tired. So I volunteered na gisingin ka. Lahat sila nasa kanya kanya ng mga tent. Natutulog na din yata. So I went here," sabi ni Yoongi, and I nodded.

"Thank you, I guess," sabi ko, and he just nodded.

Tonight's stars seemed awkward. Parang may wall na namamagitan. Pakiramdam ko may something na tense dito or what. Or maybe it is just me.

"So you are Jimin's ideal type?" Sabi ni Yoongi, kaya naman nabigla ako at tinignan siya.

"What are you saying? Hindi a. Alam mo namang best friend ko yun. How can you say so?" Sabi ko, and he bitterly smirked.

"Nice. Cute. Shorter than him. And then he placed his hand on your head. Don't be oblivious, Charlene. Marami ka pang bagay na hindi nalalaman," sabi niya, and I sighed. He doesn't seem to get it.

"Hey, I know Jimin. He doesn't like me. Because when we met, we swore to each other that we won't be liking each other along the road of our friendship. And nangyari nga. Up until now we haven't broken that promise," sabi ko, and it was his turn to scoff.

"Sure. I have to go. Sorry," sabi niya, kaya naman tumayo na siya at pinagpag ang sarili.

Tinignan ko siya sa pagtayo, at sinundan ng tingin ang paglalakad niya palayo. I sighed.

Bahala siya.

I stood up slowly, saka na nagpunta sa tent namin. Hindi naman siguro ako mapapano kung hindi ulit kami nag-uusap, right? I mean, hindi pa naman kami ganun kaclose ngayong friends na kami, right?

But why does it feel like it hurts me to see him walk away?

Nung makapasok na ako sa tent ay nakita ko si Hana na nananatiling gising pa din kahit na tulog na sila Marione.

She turned off her phone, and then smiled at me. She sat up, saka naman tumayo na siyang ikinapagtaka ko.

"What are you doing?" I asked, at saka naman niya ako binigyan ng mas makahulugan na ngiti.

"I'm guessing that you're having a problem? You can tell me," sabi ni Hana, kaya naman binigyan ko nalang siya ng tipid na ngiti at uupo na sana kaso nga lang ay ginamit niya ang mga kamay niya para pigilan ako.

"What?" I asked, and she gestured for us to go out of the tent kaya naman wala akong nagawa kundi sundan nalang siya.

Nang makalabas na kami ay agad niya akong niyakap at sinabi na maglakad lakad daw muna kami along the beach.

As we were walking patigil tigil siya dahil nakakakita siya ng kung ano ano sa lupa pero hinahayaan ko nalang siya.

Tumigil naman siya sa may malapit sa water at dun na umupo kaya naman she patted the spot next to her. I sat down next to her kaya naman she smiled at me.

"So, what's the problem?" She asked, and I shrugged. Meron nga ba akong problema or yun lang tulad nung usual moods na nararamdaman ko once in a while, yung kusa nalang akong magkakaroon ng feeling-empty episodes?

stars ♧ min yoongi semi-au [ UNDER EDITING ]Where stories live. Discover now