stars ; eleven - do you know me?

34 1 0
                                    

Natapos na kaming lahat na kumain, at nakaupo na sa harapan nila Chloe. Nakaupo kami habang nakaline pa din by group, at ang lahat ay nakikinig sa sasabihin nila.

"So, tonight's first event is this game called, Do You Know Me?" Sabi ni Sunny, and we all cheered.

"What are the mechanics?" Sabi ni Chloe, habang tinitignan si Sunny.

"First of all, we are going to assign you your partners. Yes, this will be a partner by partner activity. Dapat na kilalanin niyo na ang isa't isa sa loob ng fifteen minutes. Then bubunot kayo ng questions dito at dapat alam niyo ang sagot about the other person. Bubunutin namin ang magiging partners, kaya you guys and girls better wish for the best," sabi ni Sunny, kaya naman nagtinginan kami nila Marione.

"Pwede bang kagroup?" Tanong ni Chisae, at narinig yata siya ni Chloe kaya naman sinabi ni Chloe.

"And nope, hindi pwede na kagroup niyo din yung magiging partner niyo. So you are going to completely get to know another idol." Sabi ni Chloe.

"Also, once your name is called, umupo na kayong magkatabi ng partner mo somewhere. Clear?" Sabi ni Sunny, kaya naman tumango kaming lahat.

Kinakabahan ako. There's a part of me that wishes for Yoongi, pero after what happened with him kanina which I know is not a big deal, parang ayaw ko din naman kasi baka mamaya ano nalang pumasok sa isipan namin.

Pero parang ayoko din naman na maging partner siya ng iba, lalo na ng isa sa mga Sunflowers. Urgh. Ewan ko ba.

"Okay, we're gonna start picking your partners," sabi ni Sunny, kaya naman ramdam na ang excitement at tension sa bawat idol na nandito.

Nilibot ko naman ang paningin ko at nagtama nanaman ang paningin namin ni Yoongi. Ako na mismo ang naglipat ng aking paningin palayo sa kanya.

Madilim na ngayon at kitang kita na ang mga stars kaya naman mas naaalala ko lang siya.

"Marione and Baekhyun," sabi ni Chloe, nung makabunot na siya. Nagpalakpakan naman kaming lahat at nagcheer pa, habang nakita na tumayo si Marione at Baekhyun.

He was grinning at her, and she was grinning at him, too. Tumama naman ang paningin ko kay V, at nakita na parang gusto niya ay siya nalang yung kapartner ni Marione.

After all, bias daw niya sa Dreamcatchers si Marione. Jimin and Yoongi also told me once na may crush daw si V kay Marione, kaya naman lagi nila siyang inaasar.

"Talia and Vernon,"

Nagcheer naman si Talia at Vernon, at nag-high five once na magsama na sila. Nakapout pa din si Chisae, habang hinihintay na matawag ang pangalan niya.

"Madaya," sabi ni Chisae, and pouted.

"Wala ka lang love life," bulong ni Hana kaya naman we laughed at inasar asar si Chisae.

"Walang baby si Chisae," sabi ko, at nagtawanan naman sila.

"Hmp!" Sabi niya, and continued pouting.

"Chrissy and V,"

Tumayo naman si V at parang ayaw pa yung kapartner niya but he was still smiling.

Todo ngiti naman si Chrissy habang kumapit pa sa braso ni V kaya naman napilitan si V na tumabi sa kanya.

"Chisae and Jun,"

Nagcheer naman si Chisae dahil best friend niya si Jun, at pati si Jun naman ay nagcheer. Nung magsama na sila ay nagtawanan sila kaya naman nagpout si Hana.

"Akala ko pa naman hindi niya kaclose yung mapupunta sa kanya," sabi ni Hana, and I chuckled.

"Ako din," sabi ko, at binaling na ang atensyon sa dalawa na nasa harapan namin.

stars ♧ min yoongi semi-au [ UNDER EDITING ]Where stories live. Discover now