stars ; nine - preparation

33 1 1
                                    

One week after the meeting ay maayos na ang lahat. Alam na din ng lahat, even the public, ang about sa Beach Camp Idols.

Ngayon na nga yun mag-uumpisa, ngayong hapon. Umaga pa lang, kaya naman nandito si Manager at tinutulungan kami na magdecide kung ano ang mga dadalhin namin na damit or what.

Nasa kwarto ako at nakalabas ang maliit na maleta dahil tatlong araw lang naman daw yun at special show lang siya kaya hindi naman aabot ng months. Although, hahati-hatiin ang mga days sa iba't ibang episodes.

I was inside my walk in closet at pinag-iisipan kung ano bang appropriate na dalhin.

I was looking at my jackets, at lahat naman yun ay black or grey or white. I just decided to take three jackets, na black. Kinuha ko din yung plain shirts ko pati yung denim shorts ko-- black, white-- at lahat yun ay nilagay sa maleta.

Naglagay na din ako ng bathroom necessities and underwear kaya naman itong clothes nalang talaga ang kailangan ko.

Nilagay ko na din lahat ng powerbanks ko para naman hindi nila ako mapipigilan sa pagcecellphone. Pati yung headphones ko ay ready na sa kama.

Ieexplain naman daw sa mismong set ang lahat, at susunduin kami ng crew dito kaya everything should be set.

Nakarinig ako ng katok sa door ko, kaya naman tinigil ko ang pag-aayos at ako na mismo ang lumabas.

No one enters my room. It's such a mess and it is private, so yep. No one enters my room.

Hinarap ko naman si Hana, at binigyan niya ako ng ngiti.

"Are you all set? Let's make sure that the girls are also ready for the afternoon," sabi ni Hana, and I chuckled.

"You are such a mom, Hana. But okay," I said, at sinamahan siya na puntahan yung mga kwarto ng girls.

Una naming pinuntahan si Marione, dahil sa kanya yung pinakamalapit na pinto. Kumatok kami at pinapasok naman kami kaya nakapasok na kamk agad.

Tumambad sa amin ang walls niya na mixture of mint green and cotton candy pink. Nakalahad sa bed niya ang mga iba't ibang kulay ng hoodies and plain shirts, as well as statement shirts. Kasama na rin sa nasa kama niya ang shorts and sweatpants kaya ay nangiti naman ako. Typical Marione. Always up for comfy clothes.

"Sigurado ka sa mga dadalhin mo, maknae?" Tanong ni Hana kay Marione, at tinignan naman siya nito ng seryoso.

"Yes. Is there any problem with my clothes, unnie?" She asked, at umiling naman si Hana.

"It's just that I think na you like comfy clothes too much. Yet you look cute wearing them. Are you all set?" Tanong ni Hana, and I gave her a backhug.

Damn it. I sure am in love with backhugs.

"Yep. Iaayos ko nalang to. Ilalagay nalang sa maleta which is the hardest part, to be honest. I am too lazy para magtupi," sabi ni Marione and I chuckled.

"Hana, you go check on the girls. Tutulungan ko na si Marione," sabi ko, at tumango naman si Marione.

Hindi nagtagal, bago pa makalabas si Hana ay sinugod na pala kami nina Talia at Chisae dito sa kwarto ni Marione. They both have smiles spread across their faces at halatang halata ang excitement bago kami tulungan sa pagtutupi.

"Seriously, I feel like this group is a family. Hana-unnie is the mother. Charlene-unnie is the dad. And then you two are my twin older sisters. Is it only me?" Sabi ni Marione, at nagtawanan kami.

"Nope. Actually, even the dreamers are thinking of the same thing," sabi ni Talia, kaya naman napataas ang mga kilay ko.

"Seriously? They all think that I am the dad of the group?" Tanong ko, at tumawa naman sila habang tumatango.

stars ♧ min yoongi semi-au [ UNDER EDITING ]Where stories live. Discover now