Tyron POV.
Hindi ko alam kung bakit parang ang bigat ng pakiramdam ko habang nag-iimpake ako ng mga damit ko.
Muli nanaman kasi akong madidistino sa Pilipinas. Nagkaproblema kasi ang isang Branch namin doon at dahil hindi pwede si Daddy ay ako ang naatasan magresolba.
Hayy, minsan hindi rin maganda na nag-iisang anak ka eh. Tapos ang Pamilya pa ay masyadong maraming negosyo.
"Anak ready na ba lahat ng kailangan mo?" tanong ni Mommy sa akin nang pumasok sya sa kwarto ko.
"Yes Mommy. HIndi naman po ako magtatagal doon kaya tama na po ito." tukoy ko sa maliit na bagahing dala ko.
Kahit laking mayaman at may katulong kami ay ako ang nag aayos ng gamit ko. Yon din kasi ang turo sa akin si Mommy. Isa pa tama naman sya eh. Maliit na bagay lang ang pag aayos ng gamit, lalot mga gamit ko pa. Hindi na kailangang iasa sa iba.
"Mag-iingat ka doon Anak at sana sa pagbalik mo may dala ka ng asawa." birong totoo ni Mommy.
Mula kasi ng ikasal si Gael ay lagi na nya akong kinukulit na gusto na rin daw nyang makita din akong ikinakasal.
"Yan ang siguradong wala Mommy. HIndi ako magpapatali."
"Anak naman, gusto ko ng Apo."
May lahing Pinay si Mommy kaya marunong sya kahit paano sa tagalog.
"Mommy ang kung Apo lang ang gusto nyo, maiibibigay ko yan kahit ilan ang gustuhin nyo."
Pingot sa tenga ang inabot ko sa Nanay ko.
"Ikaw talagang bata ka, hindi laruan ang mga babae at ayaw ko ng bastardong Apo."
"Mom, Apo naman ang gusto nyo."
"Oo Apo ang gusto ko. Apo na galing sa pagmamahal ng mga bumuo sa kanya. HIndi ng libog."
Kakamot-kamot ako ng batok dahil sa sinabi nya.
HIndi lingid sa kaalaman ng magulang ko na babaero ako at kung sino-sino ang babae ko. Lagi rin nila akong pinagsasabihan kaso babae ang lumalapit eh.
"Tyron anak, huwag mong paglaruan ang damdamin ng mga babae."
"Mommy, umpisa palang alam na nila ang lugar nila sa buhay ko at yon ay pang-Kama lang----- aray...,,, aray."
Bigla kasi piningot ng pahila ni Mommy ang tenga ko.
ULIT.
"Hindi ka talaga magtatandang bata ka. HIndi ko alam kung saan ka nagmana. Samantalang ang Daddy mo hindi ganyan."
"Hindi nga si Daddy, kaya nga ako nala---arayyy MOmmy joke lang."
"Tyron Jang sinasabi ko sayo pag ikaw nakarma, naku-naku."
"Karma? Nanaman? Mom, lahat nalang kayo nagsasabi nyan. Ang tagal ko ng ginagawa to pero wala pa rin yang Karma na yan. Baka nga nainlove na rin si Karma sa akin kaya hindi na dumating."
Sinamaan ako ng tingin ni Mommy.
"Ewan ko sayong bata ka. Basta sinasabi ko sayo, pag dumating na ang karma mo saka mo malalaman ang lahat."
"What's Karma?" singit ng tatay ko.
"Nothing My Dear." lambing naman ni Mommy.
Natutuwa ako sa kanila kasi sa kabila ng edad nila ay malambing pa rin sila sa isat-isa.
"Okey. By the way my friend Derick Gonzales help you to that problem."
"Yes Dad."
"Good. Let's go."
A/N
Ml8 n u.d hehe.. cnxa s mga wrong grammar at error. Next n ang pgkkta nla..Abangan