Necole POV.
Pikit matang nagpalit ako ng damit. Pero ngayon ay damit na ni Tyron.
Pero dito napabilib ng kumag na iyon. Maayos at oriented ang mga gamit nya.
Nagpasya kasi kaming magpalit nalang muna ng kwarto habang hindi pa namin alam kung paano sasabihin sa magulang ko na kami na "kuno"
Nagpasya na akong bumaba para mag almusal.
Nakita kong nasa hapag na ang mga maagulang ko.
"Good morning Mommy, MOrning Dad" bati ko sa kanila.
Ngunit nagtatakang nakatingin lang sila sa akin. Doon ko naalala na nasa katawan nga pala ako ni Tyron.
Shit.
"I mean. Morning may Future Mommy ang Daddy." palusot ko nalang.
Ok na ito. Dito ko nalang sisimulan ang pagpapanggap namin ng kumag na iyon.
"Oww. You like my daughter huh?" tanong ni Daddy na naghihimas pa ng baba.
Tumango ako bilang pagsang-ayon at naka-isip ng ikaka-inis ng lalaking nasa katawan ko.
"Actually yes. First meeting pa lang namin ay nainlove na ako sa kanya. Well sino ba namang hindi maiinlove sa kanya? Nasa anak nyo na ang lahat. Maganda,mabait at matalino" pagyayabang ko sa sarili ko mismo.
"Kulang pa HIjo. May pagka maldita kasi anak ko" natatawang sabi ni Mommy.
What?
Ganon ang tingin ng nanay ko sa akin?
"But don't tell her Hijo. Alam mo naman yon baka magtampo sa akin." dagdag pa nya.
Edi wow.
Hello Mom. It's me.
Duh.
Ngiti lang sinagot ko at umupo.
"Yan kumain ka ng marami Future son in law!" masayang sabi ni Mom.
My god. HIndi man lang ba sya kinilibutan sa mga pinagsasabi nya?
Like eww?
AS if makakagusto ako sa lalaking ginagamit ko ngayon.
"Do you really like my daughter?" seryusong tanong ni Daddy.
Sa pagkakataong ito ay nakaramdam ako ng kaba sa tatay ko.
"Ye-yes Sir" mukang mapapahamak ako mismo sa katangahang naisip ko ah.
"Maganda anak ko, oo. Matalino, oo at mapagmahal sya. Pero hindi pa sya pang wife material."
Laglag ang panga ko sa sinabi ng sarili kong ama.
What the hell.
Bakit ganito sila sa akin?
"Dahil hindi ko sya hinayaan gawin ang gawaing pambahay. HIndi sya marunong maglinis ng buong bahay at hindi sya marunong magluto. Dahil hindi ko gusto. Ginagawa ko ang lahat para mabigyan sya ng magandang buhay. Hindi ko hahayaang humawak ng alikabok ang anak ko. At higit sa lahat, lahat gagawin ko huwag lang umiyak ang nag-iisang prinsesa ko. Ngayon kung balak mo lang saktan ang anak ko, tigilan mo na sya. Baka makalimutan kong anak ka ng matalik kong kaibigan" banta ni Daddy.
Nagtampo ako sa mga unang word ni Daddy pero nang marinig ko ang mga huli ay hindi ko maiwasang hindi mag init ang mga mata ko.
Ganon ako kamahal ng Daddy.
"Yes. Nag-iisang anak namin si Necole kaya huwag na huwag akong makaka-kita kahit pa isang patak na luha sa mata nya nang dahil sayo dahil baka" sabi ni Mommy sabay hawak ng panghiwa ng karne sa ibabaw ng lamesa.
Kahit hindi ako s i Tyron ay hindi ko maiwasan hindi mapalunok.
Kala ko ilalaglag lang ako ng Parent ko pero grabi pala ang pagbabanta ang gagawin nila sa ipapakilala kong mapapangasawa.
Maya-maya pa ay hagalpak na ng tawa ang narinig ko.
"Tama na nga yan Darling baka mamaya bigla kumaripas ng takbo si Tyron at tayo pa ang mayari sa anak natin." tatawa-tawa pa si Mommy.,
"Wala naman akong ginagawa Darling. Nagsasabi lang ako ng totoo." patay malesya pang sabi ni Daddy.
"O-Okey lang po ako." pucha buti nahanap ko pa ang boses ko.
"Nasaan nga pala si Necole?" Biglang tanong ni Mommy.
Buti naman at naiba na topic.
"I'm here" sabi ng katawan ko.
Laglag ang panga ng dalawang matanda ng makita ang katawan ko. Samantalang ako naibuga ko bigla ang kape na nasa bibig ko.
Putang inang Tyron.
"Anak. What the hell is happening to your face?" na iistress na sabi ni Mommy.
Paano ba naman kasi. Nagmukhang clown ang mukha kong nasa katauhan ni Tyron.
"Why Tita este Mommy. Hindi po ba maganda?" tanong nya pa.
Tangna talaga.
Nagmamadali akong tumayo at hinila sya pabalik sa kwarto.
--------------------------------------------------------------------
TYRON POV.
Natatawang nagpahila ako kay Necole na nasa katawan ko.
Sinadya ko kasing kumalat ang make-up sa mukha ko. Well hindi naman talaga ako marunong kaya ginawa ko nalang na ganon.
"Tang-ina mo rin noh? Anong pumasok sa isip mo at ginanyan mo mukha ko? At bakit ang tagal mong bumaba?'' galit na tanong nya sa akin.
Nagkibit balikat ako.
"Hindi naman kasi ako marunong mag make-up eh. At kaya ako natagalan kasi nag ahit pa ako."
"Nag-ahit?" naguguluhang tanong nya.
"Tumutubo na kasi kaya inahit ko na." sabay nguso ko sa baba nya.
Nang mag-sink sa kanya ang sinabi ko ay bigla nya akong sinugod.
"Hayop ka talaga." galit na sabi nya.
"Hey tumutubo na nga kasi, kaya inahit ko na." seryusong sabi ko habang sinasalag ang sapak nya kahit na gusto ko ng humagalpak ng tawa.
"Di ba usapan natin ako magpapaligo sa katawan ko?"
"Eh wala ka na eh. Tsaka ikaw rin naman ah. Pinaliguan mo rin naman ang katawan ko"
"Hindi. Hindi ko pinaliguan ang katawang to." inis pa rin sya.
"Bakit? Babaho katawan ko sayo. Tatlong beses akong maligo sa isang araw"
"Hoy Tyron na nasa katawan ko. Huwag mong ibahin ang topic gago ka"
"Okey fine, sorry. Hindi naman ako tinayuan ng nililinis ko to eh" muling nguso ko sa baba.
Binatukan nya ako.
"Malamang wala namang tatayo sayo. Gago."
Oo nga naman.