15

648 77 21
                                    

Tyron POV.

Matapos ang pag uusap namin ni Necole ng masinsinan ay humarap naman kami sa mga magulang namin.

Pansin kong di ganon kaganda ang mukha ng mga magulang ni Necole.

Teka.

Bakit parang may mali?

"Ngayon Hijo. Natapos mo nga ang problema mo kay Ivanna pero may totoong nabuntis ka pala" panimula ni Daddy.

"What? Sino nanaman yang babarng tinutukoy nyo. Gaya ng sinabi ko kay Ivanna. Laging safe sex ako. Kaya paano pa mangyayaring may mabuntis ako? Kung may gusto man akong buntisin yon ay walang iba kundi si Necole" sabi ko sabay hawak ng kamay nyang nanlalamig.

Nanlalamig?

"Sya nga. Binuntis mo ang anak namin" galit na sabi ng Daddy ni Necole.

"Bu-buntis ka?"

"Oo at ikaw ang ama. Isang buwan lang kami sa ibang bansa nayari mo na ang anak namin"

Sa totoo lang ay naguguluhan na ako sa nangyayari.

Buntis si Necole at ako daw ang ama?

Okey sana pero wala naman nangyari sa amin.

"Kung tutuusin mas maganda nga yon kumpadre atleast hindi na nalalayo. Tayo-tayo din" pagpapagaan ni Daddy sa sitwasyon.

Hinahayaan ko lang silang mag usap. Tanging kay Necole lang ang tingin ko.

Fuck. Kung totoong buntis sya ibig sabihin hindi ako ang tatay.

Pero paano mangyayari yon? Ako ang nasa katawan nya sa loob ng isang buwan.

"Okey naman yon kumpadre. Pero sana naman hindi ganoon kadali. Sana kasal muna. Sana maintindihan mo ako. Babae ang sa amin kumpadre."

"Naiintindihan ko naman yon kumpadre. Sinisigurado ko naman sayo na papakasalan nya ang anak mo. Lalo na at nagbunga na pala ang pagmamahalan nila. Di ba Tyron?"

Doon naputol ang titig ko kay Necole.

"Yes Dad. Ahm pwede po bang mag usap muna kami ni Necole?"

"Okey lang. Pagpahingahin mo na rin yang mapapangasawa mo sa kwarto mo. Masyado malayo ang binyahe nilang mag anak papunta dito. Malamang pagod na ang mag ina mo."

Tango nalang isinagot ko dahil gulong-gulo na talaga ako.












"Pwede bang magpaliwanag ka?"agad na sabi ko nang makapasok kami sa loob ng kwarto.

"Look. Sorry kasalanan ko yon. Natakot kasi ako noong sinabi ni Mommy na ipapakasal ka daw sa iba dahil may anak na kayo. Hindi ko rin alam  kung bakit yon ang nasabi ko. Ayaw kong magpakasal ka sa iba."

Biglang lumambot ang puso ko ng marinig ko ang sinabi nya.

"Natakot kang mawala ako?"

"Oo"nahihiyang sabi nya.

"Bakit?"

Inirapan nya ako.

"As if naman na hindi mo alam."

"Alam ko. Pero gusto ko lang marinig. Pwede bang marinig?""

"Mahal kita. Okey na. Ayaw kong magpakasal ka sa iba kasi mahal kita akin ka."

"Sino ba kasing may sabing magpapakasal ako sa iba? Kung meron man akong papakasalan ikaw yon at wala ng iba. Ikaw kasi nagpatibok nito" sabay turo ko sa puso ko.

"Ikaw lang ang nag iisang babaeng nangahas na pumasok dito at hindi ako papayag na lumabas ka pa. Ikukulong na kita dito habang buhay" dagdag ko pa.

"Mahal na mahal kita Tyron. Ikaw lang din ang nag iisang lalaki minahal ko. Ikaw ang nagpabago sa akin"

"Mas mahal kita Necole. Nangako ako noon na anu't-ano man ang mangyari dito babalik ako sa pinas para pakasalan ka."

"Paano pala kung anak mo yon?"

"Kung anak ko yon. Susuportahan ko. Anak lang naman obligasyon ko. Hindi yong nanay. Pero alam kong hindi. Dahil sinisigurado kong safe ako lagi. Kung meron man akong gustong anakan at maging nanay ng mga anak ko walang iba kundi ikaw. Ikaw lang ang gusto kong makasama habang buhay"

Naging malamlam ang kanyang mata at habang hawak ko ang kamay nya ay pasimple ko ng sinuot ang singsing.

Naging malamlam ang kanyang mata at habang hawak ko ang kamay nya ay pasimple ko ng sinuot ang singsing

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nagtatakang tiningnan nya ito.

"Tyron"

"Hindi ako romantic na tao. Alam ko rin na hindi ganito ang inaasahan ng mga babae pag nagpropose ang lalaki sa kanila. Pero hindi na kasi ako makapag hintay pa. Kaya ngayon ko na ginawa"

"Bakit? Sigurado ka bang YES ang sagot ko?" Natatawang may luha sa matang tanong nya.

"Babe. Hindi naman kita tinanong. Kasi magpapakasal tayo sa ayaw at sa gusto mo. Wala ka ng magagawa. Matapos mong guluhin ang mundo ko iiwan mo nalang? No way. Panagutan mo ako"natatawang sabi ko na rin.

Niyakap nya ako ng mahigpit.

"Kahit naman di ka na magtanong. Magpapakasal ako agad sayo. Mahal na mahal kita Tyron. Ikaw ang buhay ko"

Agad ko syang hinalikan. Hanggang sa lumalim na ito at kinubabawan sya.

"Ty-

"Naisip ko lang na totohanin nalang natin yong buntis Part. Tutal kakasal naman tayo"

"Sira ka talaga."

Pero hindi ko sya hinayaang magprotesta pa.



















A/N

Ang susunod na kaganapan ay Rated Spg. At gaya ng sabi ko dati. Sa kanila nalang yon.

Huwag kayong ano...hahhahaha

SWITCHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon