12

574 87 32
                                    

Necole Pov..

Kinuwento ko lahat kay Tyron ang sinabi ni Myrna sa akin. Nanlumo sya dahil sa nalalapit na panahong binigay sa amin.

Wala kaming sinayang na panahon. Nagdoble time kami sa paghahanap. Lumipat na rin kami ng lugar sakaling maka hanap kami doon ngunit wala rin.


Hanggang sa dumating na ang araw na kinakatakutan naming dalawa.

Mamaya na ang nakatakdang panahon na sinabi sa amin ni Myrna.

Mamaya na ang kabilugan ng buwan.

"Bakit hindi ka pa tumatayo dyan?" tanong ko kay Tyron na ngayoy nasa katawan ko pa rin.

"Hindi na tayo maghahanap." may panlulumong sabi nya.

"Suko ka na ba?"

"Look Necole. Matagal na tayong naghahanap pero hanggang ngayon wala pa rin. Wala na tayong oras"

"May labin dalawang oras pa tayo Tyron." di nawawalang pag-asang sabi ko.

Tumawa sya ng mapait.

"'Kung sa loob ng ilang linggo wala tayong nahanap. Sa labin dalawang oras pa kaya?"

"So ano? Tatanggapin nalang natin na nasa katawan tayo ng isat-isa?" medyo inis na sabi ko na.

"Tanggapin man natin o hindi ito na ang kapalaran natin. Ito ang parusa sa mga ginawa natin noon. Kaylangan nating tanggapin ang karma natin."

"Alam ko yon. Oo karma natin to pero sana naman. Maituwid pa natin to. HIndi tayo pwedeng sumuko. May twelve hours pa. Meron namang love at first sight"

Hindi sya sumagot.

"Hindi ka ba naniniwala sa love at first sight?"

Tumingin sya sa akin o mas tamang sabihin na tinitigan nya ako.

"Naniniwala ako at maniwala ka at hindi. Love at first sight ang nangyari sa akin. Ngayon ko lang din inamin sa sarili ko yon. Pero aanhin ko ang love at first sight na yan kung ako lang ang nagmamahal?"

Hindi ko magawang salubungin ang titig nya. Iniiwas ko nalang ang tingin ko.

Ayaw kong mag assume pero tagos sa akin ang sinabi nya. Ramdam kong ako ang sinasabihan nya pero wala naman syang sinasabi na ako yon.

Maya-maya ay niyaya ko nalang sya ulit lumabas.

Pero nagulat ako dahil nagalit sya.

"Ano ba Necole. Hindi pa ba malinaw sayo ang lahat? Hindi ko na kaylangang maghanap dahil may nahanap na ako. Pero napaka manhid. Sobrang manhid" sigaw nya.

Sa halip na matakot. Inirapan ko na sya.

At sumigaw na rin.

Sinigawan ako eh.

"PAANO KUNG HINDI NAMAN MANHID. PAANO KUNG AYAW LANG MAG ASSUME"

"AYAW MAG ASSUME O SADYANG AYAW TALAGA?"

"AYAW NGA DI BA?"

"KASI MANHID KA"sigaw nya pa rin.

"DAHIL TORPE KA. PURO KA PARINIG"

"PINAPARINGGAN KA NA NGA. DI KA PA TAMAAN"

"EH NARIRINIG KO NAMAN. TINATAAN DIN AKO PERO TORPE KA LANG TALAGA"

"AKO PA NGAYON ANG TORPE?"

"OO NAPAKA TORPE MO"

"HINDI AKO TORPE MAHAL LANG TALAGA KITA."

"BAKIT? MAHAL DIN NAMAN KITA AH"

Sigaw ko.

Kabadtrip na kasi.

Sigawan daw ba ako.

Pero teka lang.

Ano yong nasabi ko?

At ano yong nasabi nya?



"Mahal mo ako?" magkapanabay naming tanong.

SWITCHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon