Tyron POV.
Naiiling na lumabas ako ng Restaurant na iyon. Kaka-iba talagang babae yon. Pangit pala tingin nya sa akin. Noon pa mang unang kita namin sa kanila mukhang inis na sya. Lalo pa yata ngayon na iniwan ko sya at mag commute na sya.
Aaminin ko natamaan ego ko doon sa babaeng yon. Sa lahat kasi ng babaeng kakilala ko o nakikilala ko palang ay agad na nagkaka-gusto sa akin o may pagtingin. Pero iba yong babaeng yon. Pinagkakalat nya pang pangit ako.
Ako? Pangit?
Saan banda?
Tsk.
Pasakay na ako ng kotse ng may biglang may humawak sa braso ko.
"Tyron. Sabi ko na nga ba at ikaw yan eh!" sabi ng babaeng humawak sa braso ko.
Hindi ko maiwasan hindi mapataas ng kilay.
Hindi ko kasi sya kilala.
"Excuse me? Do i know you?"
"Oo naman. Ako to si Myrna."
"Myrna?''
"Oo, ako yong girlfriend mo"
girlfriend?
Hagalpak na tawa ang naging sagot ko sa kanya.
"Are you crazy? Hindi ako nag-gigirlfriend, fuck buddies pwede pa."
"What? Pero sabi mo mahal mo ako." maluha-luhang sabi nya.
Mahal? Fuck that words.
Ne minsan wala akong sinabihan na mahal ko except may family and....
"Oh wait a minute. Are you Myrna "ming ming"?
Biglang kuminang ang mga mata nya.
"Yes. Ako yon. Naalala mo na?"
Tumawa ako ng mapang-uyam.
"Naniwala ka naman na mahal kita? Well listen to this girl. HIndi kita ginusto at lalong hindi kita minahal. Ang lahat ng namagitan sa atin ay dahil lamang sa isang laro. Mananalo ako ng isang Beach ang Resort kapag nakuha kita. Syempre malaki yon so ginawa ko. HIndi ko naman kasalanan na uto-uto ka pa pal------''
Hindi ko pa natatapos ang sinasabi ko ng biglang dumapo ang palad nya sa aking pisnge.
"How dare you. Minahal kita--
"Hindi ko hiniling na mahalin mo ako." sagot ko naman.
"Binigay ko ang lahat sayo."
"Same, hindi ko yon hiningi. Kusa mo yong binigay." bored ko ng sagot sa kanya.
"Oo hindi mo hiningi ang lahat non. Kusa kong binigay kasi mahal kita. Kasi akala ko tao ka. Demonyo ka pala."
"Tapos ka na?"
"Hindi pa. Itong tatandaan mo Tyron, mula sa araw to na pagsisihan mo ang ginawa mo sa akin. At kahit magsisi ka man hindi na magbabago pa ang nakatakda."
Matapos nyang sabihin yon ay bigla namang kumulog ng malakas at nagpatay sindi ang ilaw.
Sa pagbalik ng kuryente ay nawala na yong babaeng yon. Kaya nagkibit balikat na lang ako.
--------------------------------------------------------------------
Necole POv.
Katakot-takot na sermon inabot ko kay Bakla. Tang-ina naman kasi ng Tyron na yon ang ganda ng timing at itong malanding Baklang to naman.
Ayy.
"Are you done?" sarcastic kong tanong sa kanya.
Ngunit inirapan lang ako ni Bakla.
"Pwede na ba tayong umuwi? Hatid mo na ako" kapal muks nalang. Alam ko naman hindi nya matitiis na mag-commute ako.
Tumayo lang sya ng pairap kaya sumunod nalang ako.
Malapit na ako sa may pinto ng makasalubong ko si Carlo.
Latest Ex ko.
Kabebreak lang namin kanina.
"Ne-ne-necole" utal nanaman nyang tawag sa akin.
Umikot ang mata ko.
Hindi naman sya ganyan pero pag ako kausap nya, malala pa sya kay BUdoy.,
"Huwag ngayon Carlo. Wala ako sa mood." pabalang na sagot ko kanya.
Katatapos ko lang masermunan ni Bakla kaya huwag syang sasabay.
"Ma-ma-makiki-u-usap la-lang a-ako. Hu-huwag mo na-naman ako be-break" nakaka-kuha na rin kami ng atensyonng ibang tao na lalong nagpainit ng bumbunan ko.
Mga tao talaga. Nakikita ang pagkakamali ng iba samantalang sariling pagkakamali nila di nila nakikita.
"Listen to this. HIndi kita gusto kaya walang rason para hindi kita ibreak."
"Pe-pero--
"Nakaka-intindi ka ba? Gusto mo isa-isahihin ko pa?"
Nakayuko na sya gawa ng kahihiyan.
Tiningnan ko naman ng masama ang mga babaeng nagbubulungan. Kung bulungan pa ba tawag doon dahil naririnig ko naman.
Inis ko ring binalingan si Carlo ng tingin, sa gulat ko ay masama na trrin ang tingin nito sa akin.
"Tandaan mo ang araw na ito Necole. Dahil mula bukas dadating na ang karma mo."
Matapos nyang sabihin yon ay biglang kumulog ng malakas at nagpatay sindi ang mga ilaw.
Sa pagbabalik ng kuryente ay nawala na si Carlo at may kanya-kanya naman ng usapan ang mga tao na parang walang nangyari.
What the hell is happening?