Necole POV.
Hiyang-hiya ako kay Tyron sa naabutan nya. Kaya hanggang ngayon ay nakayuko pa rin ako habang sya ay pabalik-balik lang na nasa harap ko.
"My god i can't imagine that. Anong pumasok sa kukuti mo at ginawa mo yon sa junjun ko?" stress na tanong sa akin ni Tyron.
Hindi ko naiwasan hindi sya paikutan ng mata.
"Pwede ba Tyron, as if naman gusto ko yon di ba? Ang sisihin mo yong alaga mo. Basta nalang tumatayo at tumitiggas. Nahihirapan ako at namumukol yon. Kaylangan ko lang ilabas" nahihiya man ay sinabi ko yon.
Kasalanan ko ba? Eh yong ano naman nya yong...
Ahh shit talaga.
"Di sana nakipagsex ka nalang"
What?
"Gago ka ba? Anong tingin mo sa akin? Makiki ano sa kauri ko?"gulantang na sabi ko.
"Nasa katawan kita kaya walang nakaka alam na babae ka. Isa pa nauuso naman yong same sex ah"
"Ulol. Hindi ako nababaliw para gawin yon" gagong lalaking to.
Hindi lahat ng uso, ginagaya.
"Di sana tayong nalang dalawa." sabi nya na nagpalaki ng mata ko.
"Gago kang talaga eh. Hindi ako papatol sayo at hindi ko naman gagawin yon kung hindi ako nahihirapan."tukoy ko sa pag-jajakol.
"Ngayon alam mo na. Na may mga kaylangan din kaming mga lalaki?'' pairap na sabi nya.
Inirapan ko rin sya kahit na alam kong may katwiran sya.
"Ohh shit. Tang-inang regla to ohh" biglang sabi nya.
"Ohh ngayon alam mo na kung paano maghirap ang babae kada buwan?" balik ko naman sa kanya.
Muli nya akong inirapan.
"Kaylangan na natin bumalik sa sarili nating katawan. Pareho lang tayong nahihirapang dalawa." maya-maya ay sabi nya.
"Pero paano? Hindi naman sinabi sayo ni Myrna"
"Kaylangan natin syang hanapin"
Pareho kaming huminga ng malalim hanggang sa may naisip ako.
"Anong ginagawa mo nong gabi bago tayo nagpalit ng katawan?"
"Galing ako sayo non. Susunduin sana kita kaya lang nainis ako sa mga sinabi mo kaya lumabas ako at iniwan kita. Bago ako makarating sa kotse ay nakita ko si Myrna. Nagtalo kami hanggang sa sinabi nyang pagsisihan ko ang ginawa ko sa kanya."
"Same sa akin. Paglabas namin ng Bar nakita ko ang Ex ko at gaya ng nangyari sayo. Sinabi din nyang pagsisihan ko ito"
"I get it. Nandito tayo sa katawan ng isat-isa para matutunan ko ang nararamdaman nyong mga babae. Same as you, kaya ka nasa katawan ko para maramdaman ang nararamdaman ng isang lalaki."
"Tama at para makabalik tayo sa mga katawan natin ay kaylangan nating maintindihan ang lahat. Pero may mas kaylangan tayong matutunan doon."
"What do you mean?"
"I think ginawa sa atin ito para matuto tayong magmahal at magseryuso. Playboy ka, playgirl ako. Laro lang ang ginagawa natin. Kaya kaylangan nating magseryuso. Kaylangan nating matutong magmahal"
"Pero pareho tayong hindi naglalabas ng bahay. Paano tayo makakahanap ng taong mamahalin natin? pwera nalang kung-----
"No Tyron. HIndi pwede tayong dalawa."
"Why not?"
"Wala akong tiwala sayo"
"Siguro isa pa yan sa kaylangan nating matutunan. Matutunang magtiwala sa ibang tao."
Natahimik ako sa sinabi nya. Tama sya wala kasi akong tiwala sa mga lalaki. Feeling ko lahat sila lolokuhin lang ako.
"Sige hindi kita pipilitin sa bagay na yan. Pero kaylangan na nating maghanap. Bukas aalis tayo pupunta tayo beach. Maraming tao. Malay mo makahanap tayo doon"
Napansin kong parang nalungkot sya.
Sinang ayunan ko nalang ang sinabi nya. Sana nga makahanap na kami.
Siguro naman sa mga panahon na magpapalit na kami ng katawan ay uuwi na sya. Kaylangan na nyang umalis. Ayaw ko kasi itong unti-unting damdaming nabubuhay sa puso ko. Baka kasi kasi pag umalis sya mawawala ito. kaya lang naman ako siguro? Nagkakagusto sa kanya ay dahil dadalawa lang kami.
Sana mabaling ko sa iba ang pakiramdam na ito.
A/N
At yon na nga. Napeke ako don sa YT akala ko music video na Bebe girl...teaser lang pala. Kaloka