Tyron POV.
"Mahal mo ako?" magka-panabay naming tanong.
Umiwas sya ng tingin at tangkang lalabas ng bahay. Ngunit maagap kong pinigilan ito.
"At saan mo balak pumunta Necole?"
Iwas pa rin sya sa akin.
"Lalabas lang!"
At pasimple nyang tinanggal ang kamay kong naka hawak sa kanya. Pero lalo ko lang hinigpitan ito.
"Lalabas? Tinatanong kita. Mahal mo ba ako? Tama ba ang narinig ko?"
Hindi sya sumagot at nanatiling di makatingin sa akin.
"Look at me!" pagsusumamo ko.
Pasalamat nalang ko at tumingin din sya sa akin.
"Necole please sabihin mo sa akin. Mahal mo rin ba ako?"
Please say yes.
"O- oo"
Sa pagsabi nyang yon ay hindi ko alam ang mararamdaman ko.
Parang gusto ko nalang syang halikan ng halikan hanggang sa magsawa ako.
Pero alam ko hindi ako magsasawa. Sa minsan kong natikman ang labi nya ay lagi ko ng hinahanap-hanap.
"Mahal din kita pero"
"Pero ano Necole?"
"Pero natatakot akong sabihin sayo. Ayaw kong masaktan. Ikaw ang unang lalaking minahal ko at aaminin ko. Natatakot akong mangyari sa akin ang ginawa mo kay Myrna. Natatakot akong makarma sa mga ginawa ko"
"Sshhh ako man ay natatakot ding masaktan. Kaya kahit na unang kita ko palang sayo minahal na kita ay hindi ko inamin. Pinagsawalang bahala ko nalang. Ayaw ko rin makarma, ayaw kong magaya sa mga babaeng nasasaktan dahil sa akin. Pero kahit anong pigil ko. Kahit anong iwas ko. Ikaw at ikaw pa rin ang sinisigaw ng puso ko. Mahal kita Necole. Mahal na mahal. Hindi ko nakikita ang bukas na hindi ka kasama"
"Mahal din kita Tyron. Mula ngayon hindi na ako matatakot magmahal. HIndi na ako matatakot sumugal para sayo at nangangako akong ikaw lang ang lalaking una't huling mamahalin ko"
Dahil sa katuwaan hinalikan ko sya.
Papalalimin ko sana ang halik ngunit biglang nagliwanag.
Sobrang liwanag.
Nakakasilaw.
Hanggang sa nawalan na kami ng malay.
Nagising akong nasa higaan na ako. Katabi ko si Necole.
Necole?
Agad akong lumapit sa salamin at nakita ko ang sarili ko.
Sa wakas nasa sarili na akong katawan.
Sa tuwa ko ginising ko si Necole. Pero hindi ko pa man sya tuluyang nagising ay nakatanggap akong mensahe galing sa Daddy ko.
Sinabi nyang kaylangan ko ng umuwi dahil may pumunta raw na babae sa bahay at sinasabing may anak na ako sa kanya.
WHAT THE FUCK?
Hinalikan ko si Necole bago umalis.
"Pangako babalik ako. Aayusin ko lang ang lahat ng ito. Sa pagbalik ko. Papakasalan kita."
------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Necole POV.
Nagising ako dahil sa ingay sa labas.
Teka nasaan ba ako?
Nasa kwarto ako ng mansyon?
Di ba nasa bora kami?
BOra.
TYRON?
Nasaan ang lalaking yon?
Pagbangon ko ay saktong napatingin ako sa salamin.
Totoo ba itong nakikita ko?
Nasa sarili na akong katawan?
Nasaan si Tyron? Malamang nasa katawan na rin nya sya.
Hinanap ko sya sa buong bahay pero wala. Hanggang sa hindi ako nakatiis at kinausap ko sila Mommy.
"Mommy nasaan po si Tyron?"
Naka-ngiting tumingin sa akin si Mommy at sumagot.
Sagot na magpapagimbal sa akin.
"Pinauwi na ng Daddy nya. Akalin mong may anak na pala ang batang yon? Balita ko ay ikakasal na rin sila para sa bata"
Tang-ina.
Ano to Tyron?
Matapos mong sabihing mahal mo ako ito ang malalaman ko?
Matapos ang kilig at saya. Lungkot at pighati naman.
"HIndi pwedeng mangyari yan Mom." biglang naibubulalas ko.
Nagtatakang tumingin sya sa akin. Maging si Daddy na nagbabasa ng Dyaryo ay napatingin na rin.
"Bakit naman anak? Nasa tamang edad na si Tyron. Hayaan mo ng---
"Buntis ako" sabi ko.
"What?" sabay na sabi nila Mommy.
Nagsisinungaling ako. Oo pero wala ng ibang paraan para mapigilan ang kasal na yan.
Gaya ng sinabi ko. Handa na akong sumugal para sa pagmamahal ko kay Tyron.
Akin si Tyron.
Akin.
A/N
Nakakabuntis daw kasi ang halik.hahahahah