LESLY'S POV
"Lelsyyyy"
"What? "
"Magtataka ka ba if sabihin ko na I love Yoongi already?" Napatingin naman ako sa kanya tsaka umiling
"Seryoso?" Tanong niya pa and I nodded
"Halata naman Stacy. Kahit hindi mo sabihin alam naman ng lahat"
Natawa naman siya sa sinabi ko
"Oo nga no? Btw ikaw Lesly? Wala ka bang nararamdaman towards Jimin"
"Anong pinagsasabi mo?"ilang na sagot ko
"Yieeee nagtatanong lang naman ako but bakit namumula yang pisngi mo?" Pangaasar niya pa
"Stop it Stacy, naka make up ako okay?"
"You're inlove at hindi mo maidedeny sakin yun Lesly" napalaki naman yung mata ko sa sinabi niya
"I said shut up " madiing sabi ko
"Hey girls sakay daw tayo sa--?" Biglang tanong ni namjoon naikinatayo ko naman agad
"Sure, kahit anong rides pa yan" agad na sagot ko tsaka lumapit kay namjoon na ikinatawa naman ni Stacy.
Oo nga pala nasa park na kami ngayon.
"Ow.. okay? Tara na nagaanatay na sila" tumango naman ako tsaka sinenyasan si Stacy na manahimik but this girl inaasar pa din ako.
"Lesly" pagtawag sakin ni Jimin
"What?"
"Oppa~ tayo lang dapat yung magkasama sa rides okay? Hintayin mo ko mag ccr lang ako " Malambing na sabi ni Cristine kay Jimin tsaka umalis.
"Mata mo" bulong ni Stacy sakin
"Shut up" sabi ko tsaka siya siniko ng malakas
"Ayan tayo na!" Excited na sigaw ni Hoseok.
Napalingon naman ako sa sasakyan namin at agad na nanlaki yung mata ko.
Oh gosh no.
"Hey what's wrong?" Bulong na tanong ni Jimin
"N-nothing" utal na sagot ko. Damn takot ako sa heights and we are going to ride ferris wheel right now.
Hahatakin ko sana papuntang cr si Stacy but she's already clinging to Yoongi na nasa tabi na namin.
"Sure?" Pagtatanong niya ulit tumango lang ako kahit sa loob loob ko gusto ko na talagang umalis.
"Oppa wait" sigaw ni Cristine na medyo malayo pa samin pero nakapasok na si Jimin while me? I'm hesitating kung papasok ba ko or hindi but Stacy being Stacy she push me inside the cart.
"What the f-"
"Be careful" pagsalo sakin ni Jimin
"Stacy!" Inis na sigaw ko sa kanya but ngumiti lang siya tsaka sinarado yung pinto at nag wave samin.
Sisigawan ko pa sana siya but nagstart na umangat ng konti yung cart namin and napaupo ako sa sahig at humawak sa railings.
"Oh gosh" mahinang sabi ko tsaka pumikit.
"Takot ka sa heights?" Nagaalalang tanong ni Jimin and I felt his presence sa likod ko
"Y-yeah" nakapikit pa ding sabi ko
"Bakit hindi mo agad sinabi? Silly girl" natatawang sabi niya
"Shh"
"Open your eyes" utos niya pero di ko ginawa kasi umandar na ulit and I know nasa mataas na kami
"Please Lesly?" Napabuntong hininga naman ako and slowly open my eyes at nasa harapan ko si Jimin na pinagmamasdan yung mukha ko.
Napakurap naman ako ng ilang beses tsaka napaiwas ng tingin.
"And?" Tanong ko dito at nilahad naman niya yung kamay niya sa harapan ko, I stare at him for a sec and nginuso niya lang yung kamay niya.
"Fine" I said tsaka hinawakan yung kamay niya and he slowly stand up habang inaalalayan ako
"Shit" mahinang mura ko ng makita ko na nasa pinakataas kami and my body moves on its own
Napayakap ako ng mahigpit kay Jimin while my face is buried into his chest.
"Shh... calm down Lesly" pagpapakalma niya sakin while taping my back
"I can't..."
"I'm here Lesly okay? Don't be scared sayang naman yung magandang view if hindi mo makikita" he said at alam kong nakangiti siya ngayon
At iniisip ko palang na nakangiti siya makes me calm but realizing na he is still holding my hands habang yung isang kamay niya is tinatap yung likod ko mas bumilis yung tibok ng puso ko.
"Nararamdaman ko yung tibok ng puso mo.. are you still scared? "
Oh gosh
"Y-yes" I lied
" look at me " nagulat naman ako ng humiwalay siya tsaka inilagay yung kamay ko sa pisngi niya
" I know you like pinching my cheeks.. so for today I allow you to pinch my cheeks for free" napatawa naman ako bigla sa na isip niya
Like seriously ? Sa sitwasyon na to niya na isip yan?
"Ayan tumatawa ka na... dapat ganyan ka lang parati kasi for me your smile is the most beautiful smile I've ever seen" he said with his smile tsaka niya ginulo yung buhok ko.
"Baliw" mahinang bulong ko damn him bakit ba ganyan siya?
"Ngayon na relax ka na.. maybe we can both enjoy this scenery" tumango na lang ako at huminga ng malalim
Okay Lesly you can do it
Humarap naman ako sa gilid and see the whole park
Ang ganda.. eto pala yung hindi ko nakikita dahil sa takot ko
"Woah"
"Ang ganda diba?" He asked tumango naman ako and look at him
As usual nakangiti siya.. yung ngiting hindi mo na makita yung mata niya
Kaya nagkaurge na naman akong pisilin yung pisngi niya
"Jimin" I called him saktong paglingon niya hinawakan ko na agad yung mukha niya and squeeze his fluffy cheeks
"A-aw hindi ka man lang nag warning?"
"Bakit ba? You're the one na nagoffer kaya bawal ka magreklamo Jiminie" pangaasar ko tsaka pinisil din yung ilong niya
"Nakadalawa ka na ah" sabi niya habang hinihimas yung mukha at ilong niya
"Malapit na palang bumaba" bulong nito
Without thinking hinila ko yung tali ng hoodie niya and peck a kiss in his cheek
"Thank you... kasi nagawa kong harapin yung takot ko ng dahil sayo" sabi ko ng nakatingin sa kanya ng nakangiti
But in a sec nanlaki yung mata ko ng marealized ko yung ginawa ko
*click*
Nagmadali naman akong bumaba without seeing his reaction
Ano ba Lesly?! Bakit mo siya hinalikan? Nababaliw ka na ba talaga ?
Jimin's POV
The whole ride ended and natulala ako nung hinalikan niya ko sa pisngi ewan ko ba somehow I'm hoping na bumagal yung oras nung mga panahong I'm with her.
Is it weird if I'm liking her company ?
----------------☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆