LESLY'S POV
arghhh hindi ako mapakali tumayo naman ako sa kama at nakita ko sa reflection sa salamin kung gaano ako kapula at yung ngiti ko hindi maalis.
Damn this is not me.
Grabe Park Jimin anong ginawa mo sakin?
Nagulo ko naman yung buhok ko.
Napalabas naman ako ng room at naghanap ng maiinom, I need to calm myself right now or else hindi ako makakatulog.
'Lesly?' Muntik ko namang mabitawan yung nahawakan kong baso.
'Hey hey be careful' naramdaman ko naman yung presence niya sa likod ko.
'Jimin' I whispered at saka napaiwas ng tingin.
Damn Lesly, ano ka bata? Napakagat labi naman ako sa inaasal ko ngayon.
'Stop that or else I'll kiss you' nanlaki naman yung mata ko kasi seryoso yung pagkakasabi niya habang nakatingin ng deretsa sa mata ko.
'Joke lang' he said and and smile, lumabas na naman yung dimples niya , ang cute.
'What are you doing here?' Pag iiba ko ng usapan
'I can't sleep and hulaan mo anong reason' kumunot naman yung noo ko habang nakatingin sa kanya na kumuha ng tubig.
'Work?' Random guess, hindi ako makapagisip ngayon ng ayos kasi naiilang ako.
'Nope, its because of.. You' he said ng nakasmile and poke my nose.
Napakurap naman ako ng dalawang beses.
'Huh?'
' dahil sa usapan natin kanina, hindi ko maimagine na magkakagirlfriend ako habang nasa ganito akong trabaho' nakangiti lang siya habang sinasabi yun sakin at inemphasize yung word na girlfriend.
'Aren't you scared? Na malaman ng fans niyo?' Tanong ko napatingin naman siya sakin
'I'm scared Lesly but I already have you and our baby, Mahal ko kayo parehas at yung mga fans namin. I know magiging mahirap pag nalaman nila but it is better na aware sila kesa magsinungaling ako sa kanila at itago kayo right?' Hinawakan naman niya yung cheeks ko
'Pero paano kung kailangan mong mamili between us and your work?' Napabuntong hininga naman siya at saka hinawakan yung kamay ko
'Kailangan ko pa bang sagutin yan?' Nakatitig na tugon nito.
'Ayokong bitawan mo yung pangarap mo Jimin, ayokong maging selfish.' tinaas naman niya yung mukha ko para magkasalubong na ulit yung mga mata namin.
'Simula nung nagkababy tayo handa na kong bitawan lahat para sayo' I don't know pero alam ko kung gaano kamahal ni Jimin yung ginagawa niya ngayon. At kahit sabihin niya sakin na he will choose us ang bigat sa pakiramdam.
I don't want him to stop.
'wag na nating pagusapan yan, anyway tutal hindi tayo makatulog parehas magkwentuhan na lang tayo' hinawakan naman niya yung kamay ko at hinila papunta sa sofa.
Nagkwento siya ng nagkwento ng mga nakakatawang nangyare sa kanila nila Taehyung, yung mga kalokohan nila at paano sila naging close.
At ayon ewan ko ang bilis kong tumawa sa mga sinasabi niya lalo na sobra yung ngiti niya habang nag kukwento ang liit pa ng boses pag tumatawa.
Kaya minsan nakatitig lang ako sa kanya at hindi nakikinig sa kwento niya.
He looks like a child na excited mag kwento about sa nangyare sa school niya.