Mapanuring Mata

73 8 1
                                    

Araw-araw, minu-minuto
Pawang may mga matang tumititig sayo
May naka bantay sa bawat galaw mo
Ito na, simula na naman ng panghuhusga

Isa, dalawa, tatlo
Lahat ng mga mali mo kita ng mga tao
Apat, lima, anim
Mga tama mo'y di na pansin

Kelan pa ba balak magbago
Sa paghusga sa bawat galaw ko
Wala namang perpektong tao
Pero bakit ganyan kayo

Tama na, sobra na
Mga paghusga sa mali
Pagbalewala sa tama
Itigil na, inyung mapanuring mata

A Poem For Your Thoughts Where stories live. Discover now