Malalim na Sugat ng Panghuhusga

22 2 0
                                    

Araw-araw, gabi-gabi
Iniisip lahat ng iyong sinabi
Na ang aking pagngiti
Napapalitan ng pigahti

Minu-minuto,segu-segundo
Iyon ay dinaramdam ko
Mga panghuhusga mo
Di na maalis sa isipan ko

Paulit-ulit mang tinatanggap
Di parin maiwasang di maiyak
Sapagkat ang sakit na nadama
Parang ayaw na mawala

Naka marka na saking puso't isipan
Na ako'y paulit-ulit mong hinuhusgahan
Ni hindi ko na malimutan
Malalim na sugat, iyong iniwan

A Poem For Your Thoughts Where stories live. Discover now