Pagod dala ng inyong Panghuhusga

15 3 0
                                    

Sa bawat araw nalang ba
Maririnig ko ang inyong panghuhusga
Bakit ba
Meron ba akong nagawa?

Sa pag-kaka-alala ko
Naging mabuti naman ako
Pinakikisamahan kayo
Pero ba't kayo ganito

Oras-oras nalang ba talaga
May naririnig akong panghuhusga
Pwede pa sana sa iba
Pero sa mga tinuring na kaibigan ko pa

Hindi nyo ba alam
Nakakasakit na kayo sa nararamdaman
Kelan kayo titigil
O ititigil nyo pa ba talaga?

A Poem For Your Thoughts Where stories live. Discover now