Kwentong gawa-gawa

44 3 0
                                    

Nakatipon nanaman sila
Pinag-uusapan ka
Patingin-tingin kung naririnig moba
Mga panghuhusga nila

Bawat minuto, bawat segundo
Halos ikaw ang topiko
Ikini-kuwento lahat ng mali mo
Na parang wala kang kwentang tao

Oo, hindi ko alam
Pero hindi ako manhid
Na hindi ko ramdam
Na ako'y inyong sinisiraan

Wala na akong pakealam
Kung ilang beses nyo akong siraan
Sila na ang bahalang humusga
Kung maniniwala ba, sa kwentong gawa-gawa

A Poem For Your Thoughts Where stories live. Discover now