Halalan 2k19

8 0 0
                                    

Halalan nanaman mga kababayan
Panahon na para pumili
Pumili nang mabuting taga pag lingkod
Sa ating sambayanan

Pero bakit ganito
Mali ang inyung mga binoboto
Konting pag-susuyo
Nadadala na agad kayo

Bakit mas pinipili nyo ang kurakot at kurap
Kesa sa mga may nagawa na
At sa baya'y tapat
Bakit, bakit kayo ganyan

Hindi ba ang dapat nyong piliin
Ay ang may mga nagawa
At may magagawa
Hindi yung puro salita

Sinisita nyo ang mga taong hindi pwedeng bumoto
Pero may pakialam sa bayang ito
Kabataan ang pag asa nang bayan
Pero bakit sinisira nang mas nakakaalam

Hindi dapat ganon kababayan
Piliin dapat ang kaya tayong pag lingkuran
Piliin natin ang may pakialam sa bayan
Piliin natin ang mas karapat-dapat ngayong halalan

A Poem For Your Thoughts Where stories live. Discover now