Ako'y Kaibigan mo

10 2 0
                                    

Bagong araw nanaman kaibigan
Di kapa ba napapagod?
Ako nalang ba'y iyong huhusgahan?
Wala ka bang sariling buhay?

Pansin ko
Araw-araw nalang yata
Naririnig ko ang mga panghuhusga mo
Kahit di mo naman ako kilala

Paulit-ulit nalang ba
Sasabihin mong wala akong kwenta
Pero ayos lang kaibigan
Mukhang ikaw ang may kailangan

Di ko makuhang sayo'y magalit
Dahil alam kong sa puso mo'y may pighati
Akala ko dati ayaw mo sakin
Yun pala'y gusto mo lang mabigyang pansin

Naiinis ako nong una
Pero naiintindihan kita
Hindi lang atensyon ang iyong kailangan
Ito'y isang kaibigan

Papatawarin kita
Kahit ilang beses mo kong hinusgahan
Sapagkat alam ko
Ako'y kaibigan mo

A Poem For Your Thoughts Where stories live. Discover now