Prelude

554 36 5
                                    

Life is a battlefield. Simula pa lamang noong ipinanganak ka ay kabilang ka na sa bilyon bilyong taong nakikipaglaban para mabuhay. Kinakailangan mong humanap ng armas para sa nasabing gyera, dahil kung hindi, matatalo ka. Hindi ka rin maaaring magtiwala ng basta-basta. Dahil sa mundong ito, walang kasiguraduhan ang mga bagay bagay. Maaaring pag gising mo ngayon, ang kadeteng kasama mo kahapon ay kumampi na sa panig ng mga rebelde.

All my life, wala akong ibang ginawa kundi bumuo ng matibay na pundasyon para sa aking sariling kwartel. Ibinuhos ko rin ang aking sarili sa pag-iipon ng mga armas na maaari kong gamitin sa panahong tatangkain ng mga kalabang ako'y sugurin.

Ngunit sa isang iglap, nawala ng parang bula ang lahat ng aking pinaghirapan. Natibag ang inaakala kong matibay na pundasyon ng aking pagkatao dahil sa isang pagkakamali. Pagkakamaling pinagbabayaran ko magpasahanggang ngayon at alam kong dadalhin ko habambuhay kahit hindi naman talaga ako ang may kasalanan.

At dahil na rin siguro sa pangyayaring iyon, I've decided not to fall in love with someone... pero nang dumating sya, nagbago ang lahat.

Alam kong ang tanging nais nya lang ay gumulong ako sa putikan at hindi na muling makabangon. Ngunit kahit anong paalala ko sa sarili ko ay hindi ko kayang pigilan ang nararamdaman ko para sa kanya.

This may be the greatest battle that I will conquer. But if he's the fruit of my sacrifice and pain, I'm willing to fight... and even surrender.

HALT THIS FIGHTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon