ATING PAKINGGAN ANG MY DEAREST NG SUPERCELL. Jk! Dedicated kay Aria dahil sa bagong cover at bagong idea.
PLAYLIST: HALE - BLUE SKY
CHAPTER 9
Late ako nang pumasok sa function hall. Mabuti na lamang dahil medyo jolly ang speaker kung kaya't walang nakapansin sa pagpasok ko maliban na lamang sa mga iilang tao sa likod. Mabuti na rin lang at nasa bandang likod umupo sina Vayne at Ate Almira kung kaya't mas madali akong naka-upo sa upuang nireserba nila para sa akin.
My eyes are bloodshot kung kaya't napilitan akong magsuot ng sunglasses bago pumasok sa hall. Alam ni Ate Almira na nag-usap kami ng kapatid niya. Tanging siya lang ang nakakaalam at kung may alam si Xandrus, I have no idea.
Hindi na nagtanong pa si Ate Almira ng makaupo ako. Wala rin naman kasi akong balak na sagutin ang mga iyon kung sakali. Nasa kanan ako ni Ate Almira habang nasa kaliwa niya si Vayne. Nasa pinakadulo kaming bahagi naka-upo. Naririnig naman namin ang sinasabi ng speaker since may mga speakers na naka-install sa buong hall. In fact, naglalakihan ang mga ito kung kaya't medyo masakit sa tenga.
After two hours ay natapos na rin ang seminar. Well, napakaraming natutuhan ng mga taong dumalo. But of course, exception ako. Masyadong lutang ang aking isipan dahil sa usapan namin ni Lyric. Ni hindi ko nga maalala kung papaano ako nakabalik ng suite ko para magretouch at pumunta sa function hall. Lyric is nowhere to be found. Ganoon din si Xandrus. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. I am mentally exhausted. Sana pala ay hindi nalang ako sumama sa Summit na ito. Imbes na makaganti ako kay Lyric para mabawasan yung sakit, mas lalong bumaon.
It feels like shit. I feel like a shit. Wala na ba talaga akong purpose sa mundong ito? Kundi ang maging absorber ng lahat ng sakit? I know that I am selfish. Lahat naman ng tao, may problema. Yung iba, sobra sobra yung sakit na na nararamdaman. Pero tao rin lang ako, at kumpara sa iba, masyado akong mahina.
"You okay?" Xandrus asked. Tapos na ang seminar at ngayon ko lang siya nakita. Hindi siya umattend at hingal na hingal siyang lumapit sa table namin. Kasalukuyang kumukuha ng pagkain sina Vayne at Ate Almira sa buffet table. Samantalang ako lang ang naiwan para bantayan ang mga gamit nila.
"Yes." Tinanguan ko siya bilang sagot. Naramdaman kong tumabi siya sa kinauupuan ko.
"Saan ka galing?" Tanong ko sa kanya ngunit hindi pa rin ako makatitig ng diretso sa Greek god na sa aking tabi. Pinaglaruan ko ang kutsara na nasa aking harapan.
"Kinausap ko si Aeron." Bigla akong napagitla sa sinabi niya. Aeron is the second name of Lyric at hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko ngayong narinig ko ang pangalan niya. His name is like a curse in my heart. I don't love him anymore, yet, he still has an effect on me and I know that it is bullshit.
He look at me intently na para bang inaalam kung ano ang nasa aking isipan. Animo'ý sinisilip nya ang kung ano mang nasa aking kaloob looban.
"Anong pinag-usapan nyo?" I couldn't help but to ask. Gusto kong malaman kung tungkol saan iyon kahit alam kong hindi pwede. Gusto kong maliwanagan. Kailangan ko ng sagot. He was about to say something ng biglang may lumapit na isang babaeng blonde ang buhok.
"Honey, can you help me on the reports?" Magiliw na paanyaya ng babae. She was wearing a Nine west pink leopard dress together with a fuschia pink Jimmy Choo high heels. She's hot. Yun nga lang, masyadong makapal ang make-up niya at animo'y dugo ang nasa bibig.
"Sure," Xandrus replied and gave me an apollogetic look. "Let's go." Tinaasan ko lang siya ng kilay at kinuha ko ang cellphone ko sa bag. Nang makaalis ay tinignan ko ang papaalis nilang mga pigura sa threshold ng restaurant.
BINABASA MO ANG
HALT THIS FIGHT
RomanceFormer: Skirmish X Survival Love is a battlefield. Alam mo na ngang talo ka, susugal ka pa rin. Alam mo na ngang imposibleng manalo ka, tataya ka pa rin. Pero papaano kung manalo ka? Ano ang gagawin mo pagkatapos? Masaya ang sumugal. Masarap sa paki...