PLAYLIST: SAMSON - REGINA SPEKTOR
CHAPTER 5
Nakarating kami sa lobby ng hotel bandang alas singko ng hapon. Sa buong biyahe ay hindi kami nagkibuan ni Lyric. Mula sa pagbaba ng eroplano dahil sa connecting flight hanggang sa tumapak ako sa banyagang lupain ay wala kaming imikan. Sa totoo lang, nababato na ako dahil sa ilang oras na katahimikan. Buti na lamang at tumatawag si Drix bawat oras na lumilipas para siguraduhing hindi ako nabobored kahit na alam niyang bawal ang telepono sa eroplano.
"Steffie, bakit mo ba kasi naisipang sumama sa Summit? Dapat ay ako nalang hinayaan mong sumama." Sabi niya sa kabilang linya. Nahagip ko si Lyric sa gilid ng aking mata at nauuna sa akin ng ilang metro.
"Sweetie, wag na po kayong magalit. Tatanda kayong binata niyan." I kidded. Tinatawag ko talagang sweetie ang kapatid ko kahit ayaw na ayaw niya ang endearment na yun. Nakita ko ang pagpasok niya sa isang elevator at hindi man lang niya ako hinintay. What a gentleman!
"Stef, I'm just worried about you. Hindi naman kasi sinabi ni Mommy na kasama yung lalaking yun eh." He sighed on the other line. Here he goes again, tinatrato na naman niya akong parang bata. "Sweetie, tigilan mo na nga 'yang kadramahan mo. I'm fine. Mas mabuting ako na lang ang umattend kesa naman makita mo ulit ang ex mo." I stated as I entered the elevator with an room attendant accompanying me.
Pagkababa ko kasi ng sasakyan kanina ay kasabay kong naglakad patungo sa lobby si Sienna, ang ex ng magaling kong kapatid. I swear, napakarami niyang naging ex at hindi mo gugustuhing isa isahin dahil masyadong marami at baka abutin ka pa ng ilang oras.
"Steffie, don't call me Sweetie. For Pete's sake, Eldrix ang pangalan ko." I heard him curse under his breath. The attendant pressed the 24th button.
"Oh, ngayon ka lang nagreklamo eh kanina pa kita tinatawag na Sweetie." I said playfully. Sigurado ako na nagmumura na siya ngayon sa utak niya, kulay pula na ang balat niya, may sungay at pupwede na siyang pumatay ng tao.
"Stop it." He retorted and the line died. Hindi ko alam kung ano ang problema niya. Most of the time, bipolar ang kapatid ko katulad ko. Pero iba ata ang ihip ng hangin at bigla bigla na lamang siyang magsusungit at take note, galit siya dahil ni minsan ay hindi niya pa ako binabaan ng telepono.
"Thank you." I said to the guy and smiled at him as we stepped out of the elevator. He smiled back. Then, he transfered my luggages in from the cart in front of the suite and left.
"Suite 143." I muttered as I slid the card and entered the suite. I quickly unpacked my stuffs as soon as I entered.
Hindi naman gaanong kabongga ang suite. Kulay cream ang mga dingding at napapatungan ng brown carpet ang sahig. Ang bedroom ay nakahiwalay at kung saan matatagpuan ang kulay itim na queen sized bed sa gitna at brown side tables. Ang sala nito ay binubuo ng brown couches at iilang mahogany furnitures. Mayroon ding mini ref at counters. Kung iisipin, mukha siyang condo unir kaysa sa suite.
Overall, simple yet classy is the perfect description for my suite. It gives me homey feeling. Nevertheless, I missed the Glass Castle.
Nang matapos kong ayusin ang mga gamit ko ay agad akong nagshower since feeling ko ay nanlilimahid na ako at ang lagkit lagkit ko na. I prepared a cherry blossom-scented oil mixed with rose petals bath for myself. Ewan ko ba kung bakit pero feeling ko ay kinakailangang mabango ako ngayong gabi.
I put my headphones up and listened on a Meghan Trainor's song while enjoying my relaxing warm bath. This is a stressful day and I needed to lose steam, sa ibang paraan nga lang. At iyon ay ang pagbabasa ng spreadsheets and tables sa phone ko.
BINABASA MO ANG
HALT THIS FIGHT
RomanceFormer: Skirmish X Survival Love is a battlefield. Alam mo na ngang talo ka, susugal ka pa rin. Alam mo na ngang imposibleng manalo ka, tataya ka pa rin. Pero papaano kung manalo ka? Ano ang gagawin mo pagkatapos? Masaya ang sumugal. Masarap sa paki...