CHAPTER 3
"Stefie, kinakailangan kong umalis ng bansa for the Summit next week. Is it okay kung ikaw muna ang magbabantay sa Department ko? Hindi mo naman kailangang bantayan ng husto. They can manage pero iba pa rin kung may look-out. Alam mo na, baka may kung anong mangyari." Makahulugang litanya ni Eldrix. I smirked because of his vast imagination. Isang tao lang naman ang tinutukoy niya. Si Mr. Saavedra.
"Okay. Asahan mong kaya kong bantayan ang department mo." Ngumiti ako ngunit umirap siya.
"Oo na. Ikaw na talaga. The best ka eh." Bulong niya sa sarkastikong tono. Kumpara kasi sa kanya, kayang-kaya kong patakbuhin ang tatlong departamento ng sabay sabay. Hindi ako nagmamayabang o ipinangungulandakan sa kanyang kaya ko. Dahil unang una, iba ang hilig ng kapatid ko at pangalawa, iba ang kursong kinuha niya.
"Kuya, you should not force yourself into this shit. Alam kong gusto mong bantayan ang kumpanya but you are stressing yourself too much." Nag-aalala ako sa kapatid ko. Kahit na hindi niya kasi sabihin, alam kong stressed siya at gusto niyang mabawi ng buo ang kumpanya.
"I'm sorry Steffie. Alam kong pagod ka na tapos dinadagdagan ko pa." Sabi niya at niyakap ako. The thing that I really love about my brother is that, pagdating sa ibang tao ay napaka-suplado niya pero pagdating sa akin, para siyang maamong tupa.
"It's okay. Wouldn't you mind kung ako nalang ang aattend sa Summit?" I asked.
"No. Pero ayokong mapagod ka."
"Mas gugustuhin ko pang mapunta sa Summit kaysa makita ko ang mukha nung halimaw na yun." I clenched my fists nang naalala ko na naman ang scenario kaninang umaga.
"Woah! Okay Sis, the flight will be tomorrow morning. Ihanda mo yung passport mo." Sabi niya at umalis na ng opisina ko.
Yeah right! One week without the sight of him is totally awesome! Parang Phineas & Ferb lang, stress-free life!
*
Pagdating ko ng bahay ay agad akong nagtungo sa kwarto ko. I need to pack my stuffs at kinakailangan ko ring matulog.
Wala na akong sinayang pang oras at nagmadali sa pag-aayos.
"Stef, are you there?" Tanong ni Mommy kasabay ng pagkatok sa pintuan ng kwarto ko.
"Yes 'Mmy." Tugon ko at ipinagpatuloy ang pag-iimpake. Ayos ko na yung toiletries kung kaya't mga damit nalang ang kulang.
"I'll help you sweetie." Anunsyo ni Mommy nang siya ay makapasok sa kwarto at tinulungan ako.
"Stef, dalhin mo yung Armani dress mo. Masyadong formal yang mga dala mo eh." Komento niya nang makita ang mga dala kong damit. Karamihan kasi sa mga dala ko ay business suits.
"Okay 'Mmy." Tugon ko at iniabot sa akin ang dalawang Armani dress. Isang black at royal blue dress na masasabi kong dress to kill ang itsura.
"Mom, pwede ba talaga 'to?" I ask my mom. Tinawanan niya lang ako sa aking tanong.
"Off course, Honey. Summit yung pupuntahan mo so most probably ay may partyng magaganap. Ayoko namang magmukha kang matanda at nakasuot ng office attire samantalang yung mga tao doon ay kitang kita ang kaluluwa. You have to show them what you've got!" Magiliw na sabi ni Mommy habang tumatawa. Ever since my Daddy died, naging ganyan si Mommy. Wala na yung mommy naming simple kung pumorma. Ika nga niya, dress to impress. Pero bukod doon, wala nang nagbago sa kanya. Siguro ay mas naging positibo lang siya sa buhay.
"Midriffs eh?" Sabi niya sabay abot sa akin ng iilang midriffs na iba't ibang kulay. Bukod pa rito, inabutan niya rin ako ng dalawang pares ng bikini.
"Para saan 'to?" I asked.
"Dear, FYI lang. Sa Brazil kayo pupunta so there's a huge possibility na magsiswimming kayo." Sabi niya na para bang ang ignorante ko.
"Yeah right." I couldn't agree more. Inilagay ko ang bikini sa maleta dahil ayokong marinig pa ulit ang sermon ni Mommy.
"Matulog ka na Stef." Sabi ni Mommy nang matapos kaming mag-impake.
"Opo."
"Oh, by the way, Stef. Can I ask you something?"
"Yes sure. Ano po iyon?"
"May feelings ka pa rin ba kay Lyric?" Tanong niya. I bit my lip upon hearing the question.
"Bakit nyo po natanong?"
"Napapansin ko lang na madalas kang wala sa sarili nitong mga nakaraang araw." Sabi niya at umupo sa gilid ng kama.
"Ma, dahil lang yun sa trabaho." Depensa ko. Buti nalang talaga at patay na ang ilaw sa kwarto dahil kung hindi ay makikita ni Mommy na nanghihina ako.
"I'm just worried about you hija. Ayokong maulit yung----"
"No, Mom. Kaya ko po ang sarili ko. Hindi na ako yung babaeng nakilala mo four years ago." Pinilit kong wag manginig at inimpit ko ang garalgal kong boses.
"If you say so, Sweetie. Pero eto ang sasabihin ko sayo. I know I may sound a selfish mother, pero kung gusto mong maghiganti sa lalaking yun, feel free. Di kita pipigilan. After all, kailangan din niyang matuto." Sabi niya at ngumiti.
"Yeah right! Good news, susunod ako sa weird plans mo!" Sabi ko at tumawa. Well, totoo iyon. I will make sure na makakaganti rin ako. Lalo pa ngayong dinagdagan niya ang kasalanan niya sa akin. Pinahiya nya ako kahapon sa empleyado kaya manigas siya ngayon.
"Sweetie, be ready. Kasama siya sa Summit bukas." Pahabol ni Mommy bago lumabas ng kwarto. Looks like, makakaganti na rin ako sa lalaking yun.
BINABASA MO ANG
HALT THIS FIGHT
RomanceFormer: Skirmish X Survival Love is a battlefield. Alam mo na ngang talo ka, susugal ka pa rin. Alam mo na ngang imposibleng manalo ka, tataya ka pa rin. Pero papaano kung manalo ka? Ano ang gagawin mo pagkatapos? Masaya ang sumugal. Masarap sa paki...