CHAPTER 11
Masyado ako lutang. Sa sobrang bilis ng mga pangyayari ay nakabalik lang ako sa ulirat ng maramdaman ko ang simoy ng hangin na nagmumula sa dagat.
Bago kami makalabas ng bar ni Xandrus ay nakita ko sa gilid ng aking mga mata ang pagkontrol ni Lyric sa sitwasyon. Kinausap niya ang mga bouncer. Samantalang ang lalaking sinuntok ni Xan ay nakikipag-alegro kay Lissandra. Laking pasalamat ko nalang sa kanilang dalawa. Kung hindi, malamang ay nasa istasyon na kami ng pulis ngayon at nakikipagusap sa isang officer na Braziliano.
"Damn it, Stef." Bulong niya sa aking tainga gamit ang nagbabantang tono.
"Bakit ka ba nagagalit?!" Sigaw ko sa kanya. Hinarap ko siya at pinagtaasan ng kilay. Nakakainis talaga siya. Siya na nga ang may kasalanan, siya pa ang may ganang magmura. Nakakapagpa-init ng ulo.
Pinahupa ko muna ang inis na nararamdaman ko bago magsalita.
"Bakit mo yun ginawa? Bakit mo sinuntok yung lalaki?" Tanong ko habang nakakuyom ang kamao.
Hindi siya sumagot. Sa halip ay tumingin siya sa dalampasigan kung saan kitang kita mo ang bilog na buwan.
"Xandrus, I am asking you." Muli, tinanong ko siya. Buti nalang at si Lyric ang umasikaso sa gulo sa loob ng bar.
Ngunit sa ikalawang pagkakataon, tumikhim lang siya ngunit may bahid ng pagkairita ang kanyang mga mata.
"Xandrus, answer me!" Sigaw ko dahilan upang mapabalikwas siya. Ubos na ang pasensya ko.
"Do you want an answer, Stef? Pwes, naiirita ako sa ginawa mo!" He yelled at my face.
"Ikaw ang mas nakakairita! Pwede ka namang sumayaw kasama iyong babae kanina. Pero hindi, pinakialaman mo kami. You are doing some fcking dirty dancing pero hindi ako nakialam. Tapos bigla ka nalang susulpot at manununtok?! Ayos ka rin eh." Iritado kong saad. Totoo naman kasi, hindi ako nakikialam kahit na masyado nang 'nakakasuya' ang ginagawa nila. I mean, halos lahat na lang ng mga babae dito ay kasama niya. Paiba iba pa. Ano nalang sasabihin ni 'Blondé' pag nakita niya si 'Brunette'? Tsk. Wala talaga siyang delikadeza.
"Nagbobody shots kayo tapos hindi ako makikialam?" Inis na sabi niya. Pinasadahan niya ang kanyang buhok gamit ang kanang kamay. Dahilan upang mapatingin rin ako sa kanyang dibdib na katapat lang ng lebel ng aking mga mata. Kahit na gusto ko siyang yakapin dahil malamig ay pinipilit ko pa ring wag gawin. Masyado akong naiirita at kapag ginawa ko iyon, talo na naman ako.
"Oh! Ano namang masama dun?" Painosente kong tanong. Ipinilig ko ang ulo ko at tumingin sa di kalayuan.
"Stef, that is a freaking body shot!" Nagulat ako ng niyugyog niya akong bigla. Napatingin ako sa kanyang mga mata na puno ng lungkot na noong una, akala ko galit.
"Papaano kung..." Humina ang boses niya dahilan upang makawala ako mula sa pagkakahawak niya.
"Papaano kung ano?" Tanong ko at nagkagat labi. Ngayon ay nagsisisi ako kung bakit ko siya nasigawan at kung bakit siya sumigaw.
"Nevermind." Bulong niya sa hangin at nilampasan ako.
"Xandrus." I called after him. Diretso ang lakad at ni hindi lamang lumingon.
Nang sumunod na araw, Linggo, umuwi kaagad ako pabalik ng Pilipinas. Wala ako sa mood na umattend pa sa closing party. Pupwede naman iyon. Tutal nandoon naman si Lyric.
"Hindi ka ba talaga sasama?" Tanong ni Liss. Tinanguan ko ito.
"Okay girl, basta mag-iingat ka. Kitakits nalang sa Maynila." Paalam niya at dumiretso na sa venue. Nagtaxi ako papuntang airport at hindi na kami nakapag-usap pang muli nila Ate Almira at Vayne. Marahil ay nakwento na rin naman sa kanila ni Liss ang nangyari.
BINABASA MO ANG
HALT THIS FIGHT
RomanceFormer: Skirmish X Survival Love is a battlefield. Alam mo na ngang talo ka, susugal ka pa rin. Alam mo na ngang imposibleng manalo ka, tataya ka pa rin. Pero papaano kung manalo ka? Ano ang gagawin mo pagkatapos? Masaya ang sumugal. Masarap sa paki...