PLAYLIST : BAD - THE CAB
CHAPTER 10
"Lyric, ano ba?" Nagpupumiglas na ako sa pagkakahawak niya ngunit dahil masyado siyang malakas ay nagpahila na lang ako. Ayoko namang mabali ang buto ko ng wala sa oras.
"Just follow me." Utos niya sa seryosong tono ngunit hindi rin niya napigilan ang isang takas na ngiti.
"What are you doing? Kitang---" Naputol ang sasabihin ko ng mahagip ng mga mata ko ang isang pamilyar na pigura.
"Lissandra!"
"Steffie!" I rushed to her side and hugged her tight. Lyric signalled me na ako na daw ang bahala. Tinanguan ko ito.
"I miss you, bitchy party girl."
"I miss you, too," sabi niya at tumingin sa itaas at tila iniisip pa ang idurugtong. "Flirty bitch!" She exclaimed.
Kung hindi ko lang kaibigan si Liss, malamang ay nasampal ko na siya dahil sa salitang ginamit niya. But since she is my bestfriend, pinabayaan ko nalang. That's what friends are for, right? I raised my eyebrows at naupo kami sa stool sa may counter. We ordered lady's drink at mabilis din itong naiserve.
"Girl, how's your life?" Tanong ko. Ilang taon ko rin siyang hindi nakita after graduation at ang paraan lang ng communication namin ay through Skype.
"Eto, maganda pa rin tulad ko." Pahambog niyang saad.
"Ha ha. Very funny." I said sarcastically. Sa katunayan, maganda naman talaga si Lissandra. Gorgeous is an understatement dahil mukha talaga siyang dyosa. She has a natural black wavy hair at sa tuwing nasisikatan ito ng araw ay nagmimistula itong brown. Ang kanyang mga mata ay kulay light brown na bagay sa kanyang buhok. Naka suot siya ngayon ng isang black tight fitting dress at wedge.
"Eto naman, syempre, maganda! Masaya ang buhay ko 'no!" She exclaimed at itinaas ang mga kamay.
"Still the same old Lissy." Komento ko at sumimsim sa aking inumin.
"No. I'm the good girl gone bad." She said seriously ngunit tumakas ang ngiti sa kanyang labi ng hindi namamalayan.
"Nope. Good girl ka mula noon hanggang ngayon." Napangisi ako.
"No way, Steffie. Sabi nga nila, good girls are bad girls that never been caught." Tinanguan ko ang paliwanag niya.
"Alam ko. But you are a good girl, Liss. No need to change it. Para saan? Para sa mas nakakasama? Change for the better, girl. Wag pabaliktad." I retorted.
"I know." Tumango siya at ngumiti sa akin. Kilalang kilala ko si Liss. Alam ko na may bumabagabag sa kanya.Hindi ko alam kung ano ang problema niya. But one thing is for sure, I will let her decide on her own. Hindi na siya bata para turuan ko pa kung ano ang gagawin tulad noong nasa kolehiyo pa kami.
"Girl, balita ko, kasama si Riven dito sa Summit." Ani Liss at sinubukang ibahin ang topic. Nagtagumpay naman siya dahil nakuha niya ang atensyon ko. Nilagok niya ang isang shot ng Dom Perignon at ngumi. Hell yeah! She's a rich bitch!
"Si Ri? Saan mo naman siya nakita?" Tanong ko. Gusto kong malaman kung ano na ba ang nangyayari sa kanya. She is one of my closest friend together with Liss kung kaya't nais kong malaman kung ano bang balita sa kanya dahil matagal na kaming di nagkikita.
"Sa lobby kanina. But she doesn't seem to notice me. Tinanong nya pa nga sa akin kung sino ako eh." Sagot ni Liss na may bahid ng hindi ko malamang emosyon. Pagkainis ba o galit?
"Baka kamukha lang!" Konklusyon ko dahil hindi imposibleng magkaroon ka ng kamukha sa dami ng tao sa mundo.
"Yeah right. Pero basta, ayun!" Natawa na lang ako dahil hanggang ngayon ay ganoon pa rin ang reaksyon nya sa tuwing napapaisip siya ng kung anong bagay. Lalabas na lang sa kanyang bibig ang mga salitang salasalabit.
"Oh my! Is that Lucian?!" Tumili na naman si Liss na dahilan ng pagpantig ng tenga ko. Seriously? Ang boses nya kasi ay sobrang tinis at hindi sapat ang sound system para masapawan iyon. Tinuro niya si Xandrus na nasa gitnang bahagi ng dance floor kasama ang isang brunette. Kung tama ako, ang babaeng iyon ay mula sa isang kompanya sa Slovenia.
Nagsasayaw sila na para bang walang bukas. Ang babae ay masyadong carefree samantalang masyadong agresibo si Xandrus. Ipinilig ko ang ulo ko. Seriously? Their dirty dancing corrupts my innocent mind. Ibinalik ko ang aking tingin sa aking inumin at nilagok ito ng diretso.
"Yes." I simply answered. Ipinagkibit balikat ko ang nakita ko at umorder ng tequila.
"Body shots tayo!" Umiling ako ng marinig iko iyon sa kanya. Sinamaan ko siya ng tingin. Seriously? Kailan pa siya naging lasinggera?
"Waiter, three shots of tequila." Sabi niya sa waiter at agad din siyang sinervan. Nangingiti ngiti pa sa akin si Liss at dahil doon ay parang gusto ko nang manapak.
"Wag mo akong tignan ng ganyan na parang demonyita. Ang sapakin mo ay iyong si Lucian na hinahalikan yung babaeng kasayaw niya." Sabi niya kung kaya't napatingin ako sa direksiyon nila Xandrus. I clenched my fists at biglang tumaas ang presyon ko.
"Chill lang, empress." Natatawa niyang sabi at idiniretso ang nakakuyom kong kamao. Sinamaan ko siya ng tingin. Nagpeace sign siya at kapagkuwan ay itinaas niya ang isang shot.
"Wait ka lang, girl." Dali dali siyang tumayo sa stool at binulungan ang isang foreigner na nagsasayaw ilang metro mula sa kinauupuan namin. Ilang saglit pa ay nilagyan niya ng asin ang palapulsuhan ng lalaki. Ipinilig ko ang ulo ko. Now what?
"Oh my gosh." Napasinghap ako sa ginawa ni Liss. Tuloy tuloy niyang nilagok ang isang shot at dinilaan ang asin na nasa wrist ng lalaki. I know what body shot means but I don't have any plans to do it. Never.
"Bakit mo ginawa iyon?" Tanong ko na umiiling sa kanya ng makabalik siya sa counter.
"Duh! Masaya kaya," Inirapan ko na lang siya. "Itry mo kasi. Malay mo, magselos si Lucian." Panggagatong niya.
"Alam mo, mukha kang Lucian." I said sarcastically,
"Paki mo. Itry mo kasi. Wanna bet? Magseselos yan." She raised her brows.
Ewan ko ba sa sarili ko at naisipan kong gayahin ang ginawa ni Liss. Agad akong naghanap ng pupwede kong gawing prospect sa kauna unahan kong bodyshot na gagawin.
Nakita ko sa di kalayuan ang isang lalaking nakasuot ng 'It's more fun in the Philippines' statement shirt kung kaya't siya ang nilapitan ko. Buti nalang at mukhang maraming Pilipino sa Brazil ngayon. Marahil siguro'y mga nagbabakasyon o di kaya'y sinadya lang ang Summit.
"Uhm... body shots?" Naiilang kong tanong sa lalaking iyon. Nagets naman niya kaagad iyon kung kaya't tumango siya.
"Wrists." Sabi ko na nakatingin pa rin sa sapatos ko.
"Okay." Tugon niya hudyat upang kunin ko ang kamay niya at lagyan ito ng asin. Huminga ako ng malalim. Agad kong inilagay ang asin sa wrist ng lalaki at nilagok ang isang shot ng tequila. Dinilaan ko ang asin na nasa pulsuhan niya ngunit bago ko pa iyon matapos ay bumagsak na ang lalaki sa sahig.
Nanlaki ang mga mata ko sa pangyayari,
What the heck?! Ang pangit ng tequila at kailangan ko ng maraming asin. Pero dapat ko munang asikasuhin ang lalaki na dumudugo ang labi. I immediately rushed on his side.
"Fuck! What was that for?!" Sigaw niya. Inalalayan ko siyang tumayo not minding kung sino ang sumuntok sa kanya. Nakatalikod ako kung kaya't di ko siya makita. Dumami rin ang mga nakikiusyoso sa nangyayari.
"She's my girlfriend, you bastard!" Rinig kong sigaw ng lalaking nasa aking likuran. I froze for a moment. I knew his voice at kahit napakalakas ng sound system ay malinaw iyon sa aking pandinig.
"Xandrus." I murmurred.
BINABASA MO ANG
HALT THIS FIGHT
RomanceFormer: Skirmish X Survival Love is a battlefield. Alam mo na ngang talo ka, susugal ka pa rin. Alam mo na ngang imposibleng manalo ka, tataya ka pa rin. Pero papaano kung manalo ka? Ano ang gagawin mo pagkatapos? Masaya ang sumugal. Masarap sa paki...