A/N: BIPOLAR PO ANG MGA KARAKTER NG ISTORYANG 'TO. SIMULA PA LANG AY HINDI NYO NA DAPAT PINATULAN PA ANG STORYANG 'TO. Pero seryoso, hindi ko lang ipinakita ang side na gan'to ni Stef since napakaraming nangyari sa simula na hindi ko matandaan (mostly puro kadramahan). Di ako writer o author, sadyang alien lang akong napadpad sa wattpad. Nvm. Okie?
PLAYLIST : WHEN YOU WERE MINE - LADY ANTEBELLUM
CHAPTER 12
Para akong gaga. Hindi, gaga talaga ako. Sa katunayan ay gustong gusto kong iumpog ang sarili ko sa marmol na pader ng building na'to. Hindi ko alam kung bakit ko pinatawad ang lalaking iyon gayong napakapakiaalmero niya talaga. Great! Just great, hinayaan mong ma-invade na naman ng kumag ang sarili mong buhay. Tapos magrereklamo ka sa huli? Abaý matinde!
"So, tara na?" At tignan mo ang kumag, kung makangiti ay wagas. Naiirita ako sa kanya. Tss. Nakailang beses na ba ako sa sinabi iyon? Isa pa ito sa rason kung bakit gustong gusto kong basagin ang ulo ko. Para kasi akong cellphone load, unlimited at paulit-ulit ng sinasabi. At kahit ayoko mang aminin ay nacocornyhan talaga ako sa nauna kong sinabi.
"Saan naman tayo pupunta?" Tanong ko dahil gabi na. Anong oras na at kailangan ko nang kumain. Mamaya ay maisipan niyang pumunta kami sa isang meeting tapos kailangan niya ng date. Wala akong oras para umattend sa mga ganun.
"Dinner at Seafood Hub." sagot niya at tinanguan ko siya. Sumakay kami sa Mustang Convertible niya.
"Nice." tipid kong puri sa kotse at hindi sa may-ari.
Agad naman niya akong pinagbuksan ng pintuan sa front seat. I was shocked on his gesture. Bibihira lang magpaka-ala-gentleman ang loko.
"So...?" Medyo awkward ang simula ng usapan namin. Walang may gustong mag-initiate ng conversation. Tanging mga busina lang sa kalsada ang naririnig ko.
"Tell me, bakit ka nakikipagbati?" Direktang tanong ko. Sa wakas ay nakaisip na rin ako ng pupwedeng ibato na tanong sa kanya.
"I thought, okay lang na walang imikan?" Dugtong ko. Itinaas ko pa ang kilay ko pero okay lang naman sa akin kung hindi siya makipagbati. Siya ang may kasalanan nung nangyari dun sa Brazil and he didin't even managed to say sorry dun sa lalaki ayon sa mga kwento ni Lyric.
Huminga siya ng malalim bago magsalita.
"I'm sorry." Sabi niya habang nananatili ang kanyang mga mata sa daanan. Nakafocus ang mga ito at hindi man lang ako tinapunan ng tingin. It was sincere, ramdam ko iyon.
"You managed to say sorry to me pero sa lalaking iyon ay hindi?" Just the thought of it ay naaasar ako. Ako naman kasi talaga ang may kasalanan dahil ako ang nag-initiate ng body shot but that doesn't mean na hindi na dapat siya magsorry. Siya ang nanuntok. Idagdag mo pang hindi rin ako nakahingi ng despensa dahil umuwi rin ako agad dahil sa kahihiyan.
"Wala akong balak noon lalo pa ngayon." Pa cool nyang sabi na ikinairita ko. What's wrong with the boys? Ayaw na ayaw nila sa lahat ang natatapakan ang ego nila. Siya ang may kasalanan pero matigas talaga ang bungo niya. He will not stoop down that low. Yeah right, nakalimutan ko. Siya nga pala si Lucian Alexandrus Saavedra. Kahit na kailan ay hindi siya magpapakumbaba.
"Oh, so tapos na ang usapan. Stop the car." Mariin kong sabi dahilan upang mapatingin siya sa akin.
"Stop it, please?" I clenched my fists while gritting my teeth. Tumaas ang kilay niya at nagsimulang itabi ang sasakyan.
"Can you please tell me the reason kung bakit ka nagagalit? I punched him on the face because he violated you!" Tiim bagang niyang sabi. Nagitla naman ako sa sinabi niya.
BINABASA MO ANG
HALT THIS FIGHT
RomanceFormer: Skirmish X Survival Love is a battlefield. Alam mo na ngang talo ka, susugal ka pa rin. Alam mo na ngang imposibleng manalo ka, tataya ka pa rin. Pero papaano kung manalo ka? Ano ang gagawin mo pagkatapos? Masaya ang sumugal. Masarap sa paki...