Nagising ako dahil sa alarm ni sinet ko kagabe.
"5:30 am?" di ko makapaniwalang tanong sa sarili ko. Tss.
Tumayo ako sa kama at dumiretso sa banyo at naligo. After an hour ay tapos na ako. Bumaba na ako para mag breakfast.
"Goodmorning, Dan." Nakangiting bati sakin ni Kuya. I just ignore him. Di pa rin ako maka get over dun kahapon.
Dumiretso ako sa kusina ng resto at nag timpla ng kape. Kumuha na rin ako ng slice of bread doon.
Bat nga ba ako maaga? Ngayon kasi ang simula ng klase ko. Oo. Ngayon. Ayaw ko man pero wala na akong magagawa. Lakas makakonsensya ng kumag, kainis!
"Alis na 'ko." paalam ko kay Kuya.
"Oh." sabay abot ng pera sakin.
"Salamat." sabi ko nalang. Sino ba naman ako para tanggihan ang grasya diba? Kahit sabihing may sarili akong pera e kailangan ko pa rin yun.
"Gusto mo hatid na kita?" offer niya.
"No thanks. Mag co'commute nalang ako. Para masanay na rin." sabi ko. "Geh una na ako." sabi ko sabay labas sa resto.
"Okay, Dan. This is it! Kaya mo yan." sabi ko sa sarili ko. "Hey, nakikita mo ba ako diyan?" I asked habang nakatingin sa langit at nakaturo roon. "Happy?" I sigh.
Sana maging maayos ang lahat. Sana walang maging problema. Sana kayanin ko. Sana wala akong pagsisihan sa naging desisyon ko.
Sana......