"Class dismissed." Sabi ng teacher namin. Agad namang nagtayuan ang mga kaklase ko para makalabas. Ako? Eto nakatingin sa malayo. Bakit ako makikipagsiksikan sa kanila? I sighed for the nth time. Simula pa kanina ang tanging pumapasok lang sa isip ko ay ang kanina ko pang tanong. Tama ba ang naging desisyon ko? Yan. yan ang kanina pang paulit'ulit kong tanong.
"Wala ka bang balak umuwi?" tanong ni Seb.
Agad akong napalingon kanya at binigyan siya ng tingin na ano-pa-ang-ginagawa-mo-dito? Pero nginitian niya lang ako. Ang hilig ngumiti ng Seb nito. Pansin ko lang. Simula kasi ng makita ko siya dun sa Garden ng School panay ngiti lang ang loko.
"Ikaw bat di ka pa umuuwi?" balik tanong nito.
Agad kong iniligpit ang mga gamit ko. At nagkibit-balikat lang sa tanong niya. Ng matapos ako ay agad akong tumayo at naglakad na papuntang pinto. Ngunit bago ako tuluyang lumabas ng room ay sinabi ko ang dalwang salitang dapat kanina ko pa sinabi sa kanya.
"Thank you." sabi ko at tuluyan ng umalis. Di pa kasi ako nakapagpasalamat sa kanya simula kanina. Sa pagturo niya sa akin sa room ko. Namin.
Bukas ano na naman kaya ang mangyayari? Haay. Aagahan ko na naman bukas para malibot ang school. Pero sa pagkakataong ito meron na akong map. Guide ba. Nahingi kasi ako kinang break namin sa Dean.
Malapit na ako sa gate ng biglang may tumawag sa 'kin.
"Nicollet!" what the?!
Agad kong nilingon ang taong tumawag sa ikatlong pangalan ko. At ang nakita ko ay siya na tumatakbo papunta sakin habag nakangiti na naman. Si Seb.