"So, ikaw ang bago, tama ba?" tanong ng teacher ko malamang -_-
I just nod. Nakakainis kasi! Ugh!
"Okay. Then, please introduce yourself in front, Miss?" sabi pa nito.
"Perez." sagot ko rito.
"Okay. Miss Perez go ahead." she said as she smiled at me. Pumunta ako sa unahan at tiningnan silang lahat. Nag bow muna ako saka nag pakilala.
"Hi. I'm Dana Eyasha Nicollet D. Perez. I'm new here." pakilala ko sabay bow ulit.
"Okay. Miss Perez, you can seat anywhere you want." sabi na Ma'am.
Kaya agad naman akong nag hanap ng pwedeng upuan. Ng makahanap ako ng magandang spot ay umupo agad ako.
"Okay. I'm Mrs. Lia Dantes, your English teacher and also your adviser for the whole year." pakilala niya. Magsasalita na sana ulit si Ma'am ng biglang bumukas ang pintuan. At iniluwa siya.
"Sorry Ma'am Late ako. Kinausap pa kasi ako ng Dean." paumanhin niya.
Siya.
"Okay lang Mister Castro." sabi ni Ma'am.
The eff?!
"Please introduce yourself in front of us." Ma'am ulit.
Tuluyan na siyang pumasok at pumunta sa unahan.
"Hi. I'm Sebastian Van Castro. 17 years of existing in this world. :)" pakilala niya.
So, Sebastian pala pangalan niya. Siya. Siya yung tumulong sakin kanina. Siya yung nakahuli sakin dun. Siya. Tss
"Find your own sit."sabi ni Ma'am sa kanya. At nag patuloy na sa pag sasalita sa unahan.
At ano pa nga ba aasahan ko? Kung saan siya uupo? Edi sa tabi ko. Bakit? Siya tanungin niyo.
Pagkaupo niya ay agad siyang tumingin sakin at nginitian ako.
"Van nga pala. Ikaw?" tanong niya sakin.
Tiningnan ko muna siya tulad ng tingin ko sa kanya kanina. Nung akala niya siguro na ganun lang ang gagawin ko ay umupo siya ng matuwid at humarap na sa unahan.
"Dan." sabi ko sa mahinang sabi habang nakatingin na rin sa unahan. Nakita ko ang paglingon niya ulit sakin gamit ang peripheral vision. At ngumiti pa ang loko.
"Nice to know you, Dan." sabi niya lang.
Sa totoo lang , Hindi ko nagugustuhan ang umpisa ng taon ko dito.