Chapter 14: Moments in Tagaytay

3.3K 43 6
                                    

[Kyle's POV]

Nagising na lamang ako nang maramdaman kong tumigil yung sasakyan. Napatingin ako sa labas at nakita ko na nasa tagaytay na pala kami. Pero bakit ganun? Hindi ko masyado maigalaw ang ulo ko? Napatingin ako sa taas at nakita ko ang mala-anghel na mukha ng babaeng pinakamamahal ko dito sa buong mundo. Ang ganda nya talaga ^_^

Bigla naman syang gumalaw, siguro nagising na. Inangat na nya yung ulo nya at tumingin sakin.

"Ah, gising ka na pala Chups" nakangiting bati ko sa kanya

"Ah.. oo eh... Hehe.. nakatulog na rin pala ako ^_^"

"Okay lang yun, hindi naman masyadong mabigat ulo mo eh" sagot ko naman na ikinatawa niya

"Ikaw talaga! Baliw!"

"Gwapo naman" pang-aasar ko pa sa kanya

"Oo na! hahaha tara gisingin na natin sila!" at ayun nga ginising na namin sila.

Si Roxanne at Ian kasi ay couple na kaya ayun, nakita naming naka-higa si Roxanne sa may dibdib ni Ian at magka-holding hands pa. Pagkatapos nagulat naman kami nang makita namin si Alexa ay naka-patong ang ulo sa balikat ni Kevin habang si Kevin ay naka-akbay sa kanya.

"Chups, what do you think sa dalawang yun?" tanong ko sa kanya

"Well, pareho lang may gusto sa isa't-isa pero ayaw namang aminin. Inshort, mga napasok sa Torpe University ^__^"

Napatawa naman ako as sinabi niya. Totoo naman kasi eh. Akala ko dati forever na ako sa Torpe University pero thank god naka-graduate na ako ^__^

Ginising narin namin si Keith. Ah sya nga pala, alam na ni Keith ang tungkol samin ni Ava at mukha namang masaya sya kahit ganun. Ang sabi pa nya ay makita lang daw niya na masaya si Ava ay masaya narin sya.

MARTIR LANG??

Well, mas okay na yun para wala akong kaagaw kay Ava. ^__^

----------*

Bumaba na kaming lahat ng sasakyan at nakita na namin yung rest house nina Alexa.

"Wow! Ang ganda naman ng rest house nyo Alexa ^__^" sabi ni Kevin

"Oo nga! Teka ilang rooms ba ang meron diyan?" tanong naman ni Roxanne

"Ganito kasi yan, may 2 bedroom diyan na may tig-aapat na bed. Well, dun sa isang room yung girls at dun naman sa isang room ang boys" naka-ngiting sagot ni Alexa

"Ah okay" mukhang gets sya ni Ian

"Tara, i'll show you our rooms"

Pagkatapos noon ay pumunta na kami sa mga room namin at ayun nga, sobrang ganda kahit 4 yung beds.

"Guys, bahala na kayong mag-unpack ng mga gamit nyo ha. 4 naman ang closet dyan kaya kayo na ang bahala. Ipapakita ko lang sa girls yung room namin" naka-ngiting sabi nya tsaka umalis.

"Hay naku si Alexa talaga" napa-buntong hininga naman si KEvin. Lumapit kaming lahat sa kanya at inusisa siya.

"So pare, kayo na ba ni Alexa?" pinamulahan naman ng mukha si Kevin sa tanong ni Ian.

"H-hindi ah"

"Sus! Denial stage ka pa! Okay lang yan!"

"Pero hindi talaga. I doubt na magkagusto din siya sakin" malungkot na sabi ni Kevin.

"Pero mahal mo ba sya bro?" tanong naman ni Keith

"Oo..." tsaka yumuko si Kevin. Grabe! May lalaki pa palang nagbublush?! Astig ah!

I Heart You Kuya [FIN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon