[Ava's POV]
Siguro, kung ipapa-describe mo sakin kung anong nadarama ko ngayon. i can say that there are no words enough to describe the marvelous feeling inside my heart today. Buo and pasko ko, kumpleto ang family at maging ang friends ko, pati ang taong pinaka-mamahal ko, nandito din ngayon sa tabi ko :">>
Ang saya lang ng feeling eh... Yung parang, kumpletong-kumpleto na ang pasko mo.
After naming kumain, nag-decide sila na manuod ng movie sa living room. Ako naman, pinili ko munang lumabas ng garden para mag-palamig. Habang naka-upo ako dun, may naramdaman ako tumabi sakin at nilagyan ako ng coat. Napangiti naman ako at nilingon ko sya.
"Chups :">>"
"Oh, bakit andito ka mag-isa?"
"Magpapalamig lang sana ako..."
"Gusto mo samahan kita?"
"Oh sige ba" tapos umupo nga sya sa tabi ko at inihilig nya yung ulo ko sa balikat nya. Tiningala ko naman sya pero nakatingin sya sa mga bituin sa langit at naka-ngiti.
"Oh, bakit parang ang ganda ng ngiti mo dyan?" tumingin naman sya sakin at ngumiti ulit.
"Wala naman. Nagpapasalamat lang ako kay Lord, nagpapasalamat ako dahil nandito ka ngayon sa tabi ko" tsaka nya inilagay ang isang kamay nya sa balikat ko at niyakap ako gamit yun.
"Ako din naman Chups masaya eh. Isipin mo, hindi ako makapaniwala na ikaw ngayon ang nasa tabi ko."
"Ava, i feel so blessed to have you here in my arms tonight. Its the best gift ever. Having you here with me" then nag-lean forward sya at hinalikan ang noo ko.
"Hmmm.. Ang cheesy mo masyado Mr. Monteverde! Naku, lalo lang tuloy akong na-fafall sayo "
"Eh ikaw, ang ganda mo lalo ngayon. Hindi ko na tulyo maalis sayo ang mga mata ko ;)"
Then right there, i felt complete. Oo nga naman, i don't need diamonds od jewelry to make me happy on Christmas day. Just being by his side is enough to make my heart insane... And then, may nalala ata sya kaya kinuha nya yung kamay ko at may tiningnan. Then after nyang makita kung ano man yun. na-relieve sya.
"Ano yun Chups?" tanong ko sa kanya
"Ah wala. I thought kasi hindi mo suot ang engagement ring mo eh" then nag-smile sya sakin. Oh that smile! >/////< I swear ang gwapo nya~~!!
"Ano ka ba naman chups! Syempre palagi ko yung isusuot. Para malaman ng lahat na ako'y sayo at ika'y akin lamang" then nag-smile ako sa kanya. Tumawa naman sya.
"Ano toh?! Daniel Padilla lang?" at ayun, nagpaka-utas kami ng pagtawa. Ayun, naka-upo lang kami dun, nanunuod sa stars ng bigla syang kumanta.
"Sampung mga daliri, nawala ang lima... Hinanap ko hinanap ko.." then bigla nyang hinawakan yung kanang kamay ko...
"Nasayo pala..." at ngumiti sya sakin.
Naiyak naman daw ako dun at niyakap sya... All this time, now i found my place in heaven by your side, Kyle. Hanggang sa natapos na ang New Year at kinakailangan na naman nyang bumalik ng states.
"Chups, ilang months na lang gagraduate na tayo. Magkakasama na tayo" and i watch him there, disappearing into the crowd of people. Sumigaw naman ako.
"Chups!" at lumingon sya sakin at ngumiti. Ngumiti din ako.
"I will wait for you!" at tuluyan na syang umalis...
================================================================
A/N: Ayan na! Natapos ko narin sya. Sorry sa short update. Busy kasi ako sa school eh.
vote
comment na lang po kayo :DD
----StarDust_Wink28
BINABASA MO ANG
I Heart You Kuya [FIN]
Genç KurguSabi nila, true love only comes once in a lifetime so dapat pag nakita mo na yung guy na para sayo, wag mo nang pakawalan. Pero pano kung unexpectedly mainlove ka sa maling tao? At itong taong to pa ang pinaka-malapit sayo? How will you fight for hi...