KURT'S POV!!
"Gusto din kita kurt ,pero bilang kaibigan lang"
"Sorry kung hindi ko masusuklian ang iyong pagmamahal"
Sana magkaibigan parin tayo.
Ang mga salitang paulit ulit kong naririnig sa aking isipan. Masakit yung hindi ka gusto ng taong gusto mo . siguro ganon na talaga yun . Baka kami yung " ipinagtagpo pero di itinadhana".. Pero masaya narin ako dahil di nya ako pinaasa at pinahalagahan nya ang pagakakaibigan namin..Part's, okay kalang? Tanong sakin ni Aime .
Okay lang ako part's sagot ko sa kanya.
Hayaan mo part's makikita mo rin ang babaeng magpapasaya sayo at magmamahal sayo ,linawin mo lang ang mga mata mo sabi ni aime..
Hehehe ikaw talaga part's andami mong alam.. Sagot ko sa kanya..
Syempre naman ako pa haha sagot nya parang may halong lungkot.
Salamat part's ha sinserong sagot ko at diretsong nakatitig sa mga mata nya..
Bakit naman? Takang tanong nya.
Kasi andayan ka palagi para sa akin.. Sana iingatan ka at mamahalin ka ng taong gusto mo.. Sagot ko sa kanya..
Ano kaba diba magbest friend tayo, problema ng isa, problema nating dalawa . pilit ngiti nyang sagot.Ohh bakit malungkot yung mga mata mo?? Tanong ko..
Kasi nasasaktan ako parts diretsong sabi nya ng nakayuko..
Kanino? Saan? Tanong ko
Sa taong gusto ko diretsong sagot nya.
Bakit naman?? Tanong ko..
Kasi nasasaktan sya ehh. Kung pwede lang sanang hawakan ang sakit hahawakan ko yun para ako nalang masaktan at hindi sya.. Lumuluhang sagot nya.
Swerte naman nya. Pakilala mo ako sa kanya ha . hehehe pilit ngiti kong sabi.
Hahaha hwag na. Halika kana nga umuwi na tayo ang daldal mo ,itulog muna yan bukas wala nayong sakit. Sabi nya at umuwi na kami..AIME'S POV!!
Ang sakit sobra ... Pero kung saan sya sasaya don nalang ako.. Pero ngayon na nasasaktan sya mas nasasaktan ako. KURT TAN patuloy kitang mamahalin kahit na malayo at patago . balang araw mapapalitan ko rin ng ngiti ang mga luha mo ... Hindi ako susuko..
YOU ARE READING
My Professor Is My fiancée-slash My Enemy
Teen FictionNathan Gabriel Hamilton_ I swear I'll never fall for you Sabi nga nila mag-ingat ka lahat ng sasabihin mo baka pagdating ng araw di mo namamalayan na kinain mo na pala ang lahat ng sinabi mo..