CHAPTER TWO

37 0 0
                                    

Nang kinaumagahan ding iyon ay masakit ang ulo ni thea dahil sa hangover.

"Gosh! Bakit ba ganto na lang lagi ang after effect sa akin ng alchohol"... Habang kumukuha ng tubig sa ref nakaramdam siya ng gutom. "argh! Nakalimutan ko mag grocery hayss. Ano ba yan tummy wait ka lang ahh". Agad na kinuha ni thea ang purse niya at tinignan ang sarili sa salamin.

Buti na lang ay hindi kalayuan sa bahay nila ang Grocery store kaya madali lamang siyang makakapunta ditto.

"Hmmm. Let's get some eggs, ham, milk and bacon ohh and fruits" Dalidali siyang kumuha ng mga bagay na kakailanganin niya dahil nagugutom na talaga siya.

Pagkatapos mag bayad sa counter nag hanap na lamang siya ng malapit na kainan dahil hindi na talaga siya makakapaghintay na makauwi at magluto.

"One pancake please and hot choco" pagkatapos umorder ay naupo na siya. Habang hinahantay ang order niya hindi niya mapigilang mapangiti dahil sa mga nangyari ng nagdaang araw

. 'Buti pa si cheska maayos na sa father niya, eh ako ? Nganga parin,haysss sana dumating din ang araw na mapatawad ako nila daddy sa mga kalokohang ginawa ko para naman makauwi na ako sa bahay dahil miss na miss ko na silang lahat .

"Ma'am eto na po ang order niyo" sabi ng waiter na nasa harapan niya . "Thanks"

Pag katapos kumain ay umuwi na siya para mag ready sa pag pasok niya sa time job niya at dahil araw naman ng linggo ay half day lang ang pasok niya sa café, at mangilan ngilan lang din ang taong pumapasok para mag kape.

"Goodafternoon Betty" bati ni thea sa babaing nasa counter

"Hay buti nalang at dumating kana may kapalitan na din ako" sabi ni betty habang nagtatanggal ng apron at name tag

"Mukhang may date ka ata ngayon at nag mamadali ka" pagbibiro niya

"Korak ka girl kaya heto ikaw na ang magshift" sabay abot ng apron "Got to go, bye"

"Ingat" thea

"Hi, sir welcome to coffee express" bati niya sa kakapasok pa lang na costumer. Naka formal attire ito at mukang nasa 30's na ang edad at mukang bigatin.

"Miss thea?" Tangong ng lalaki sa kanya

"Yes sir, what can I do for you?" Magalang na sagot niya

"One cup of cappuccino and Americano"

"Coming right up sir, take out po ba?" Thea

"Yes please"

'Weird, pakiramdam ko lahat ng kilos ko pinag mamasdan'

"Here's your order sir" nakangiting inabot ni thea ang order nito

"Thank you miss thea" at umalis na ito.

"Thea kilala mo ba un?" Pag uusyoso naman ng kasama niya na si acel

"Hindi no" pag sasabi niya ng totoo

"Eh bakit kilala ka niya?" Acel

"Duh syempre dahil sa name tag ko" sabay kapa sa name tag niya , pero hindi niya pala ito na isuot dahil nalibang siya sa usapan nila ni betty kanina.

"Hala lagot ka thea may stalker ka mag iingat ka uso pa man din ngayon ung mga narerape" babala ni acel

"Wag mo na nga akong takutin diyan at mag trabaho na lang tayo" pilit niyang kinalimitan ang nangyari kanina

Buti na nalang at hanggang 6:00 pm lang ang cafe pag sunday at maaga siyang makakauwi ng bahay. Habang pauwi si thea hindi niya mapigilang kabahan dahil pilit na bumabalik sa alaala niya ang mga sinabi ni acel kanina. ' soo creepy, huh takot lang nila sakin suntukin ko pa sila eh'

100 days with Mr. FreakTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon