TUESDAY
Pangalawa at huling araw na ng day off ni thea, kaya ninais niyang bumisita sa bahay nila.
Maaga siyang gumising para ipagluto si zander ng almusal.
'Oo na day off ko ngayon dapat hindi ko siya pinapagluto... Pero nasanay na rin siguro ako mag handa ng pagkain niya' Sabi ni thea habang nag bblend ng banana.
Nag luto siya ng pancake at bacon para sa breakfast ni zander, kasama na rin ang babana shake na ginagawa niya.
"Ang aga mo naman gumising diba day off mo pa rin ngayon" mula sa pintuan ay lumapit si zander sa table at nilanghap ang mabangong amoy ng pancake.
"Oo nga day off ko nga pero parang nasanay na rin ako gumising at mag ayos ng kakainin mo" pagpapaliwanag ni thea habang daladala ang isang pitchel ng banana shake.
"May pupuntahan ka ba ngayon?" Tanong ni zander nang makaupo.
"Meron..."
"Mag kikita ba kayo ni lance?" Walang tinging tanong nito sakanya.
"Hala hindi no, bakit naman kami mag kikita nun...anyways pupunta ako sa mom... Este sa mama ko para bumisita"
"Ahh... Good...good... Gusto mo ba magpahatid kay taylor?"
Muntik nang mabulunan si thea sa sinabi ni zander. " naku wag na kaya ko na un" tumangi si thea na mag pahatid kay taylor dahil takot siyang malaman ni zander ang totoo na hindi pala siya mahirap. 'Naku wag ka na mag inssist Na ipahatid pa ako please' dasal ni thea sa isipan niya.
"Are you sure na ok lang sayo?"
"Yeah yeah, ok lang sakin kaya ko naman eh, mag cocomute na lang ako sanay naman ako doon eh"
Naunang umalis si zander kay thea kaya nama'y malaya siyang nakakakilos.
Paalis na sana siya nang bahay nang bigla na lang may dumting na isang babae.
"Who are you? And what are you doing here?" Mataray na tanong nito sa kanya.'hmm..parang familiar skin ung bosses niya...san ko nga ba narinig un'
"Hey miss..I am asking you"
Biglang na alala ni thea ang usapan nila ni zander nung gabing tawagan siya nito at papuntahin sa bahay niya.'tama kaboses niya nga ung babaeng kasama ni zander'
"Hey! Weirdo!" Bigla siyang tinapik ng babae sa braso.
"I said what are you doing here? And who the hell are you?" Nakataas ang isang kilay nito habang nag sasalita
"Hah? Ano..." Naputol ang pag sasalita ni thea nang biglang unahan siya nito mag salita.
"Maybe your his maid, here take this" inabot nito ang bag kay thea.