Thursday, last day nila thea sa school.
Lahat ng friends ni thea ay excited na at kanya kanyang pili na sila ng pagbabaksyunan, pero tila si thea lang ang lumilipad ang isipan.
"Hoy! Inlababo ka na no?" Pagbibiro ni ciel
"Huh? Hindi no" sagot ni thea habang nililigpit ang gamit.
"Guy's mamimiss ko kayo" ashley's interruption
"Bakit san ka ba pupunta?" Tanong ni jazz
"I'm going to paris" sabay taas pa ng dalawang kamay. "Mag o-out of the country kami nila mommy don’t worry I’ll buy pasalubong for each and every one of you" habang kumukumpas ang kamay sa ere.
"Hay naku kayo na mag o-out of the country at mage enjoy" bitter bitteran na sabi ni thea
"Bruha ka umuwi ka na kasi sa inyo ng makapag out of the country ka din If I were you uuwi na ako sa mansion namin kesa naman nag titiis ka mag isa sa apartment" pangongonsensiya ni ashley sakanya
"Oo nga thea bumalik ka na sa inyo para wala ka na ring problema about dun sa kotse kayang kaya niyo naman bayaran ang mga damages nun, sa yaman niyong yan isang sabi mo lang sa dad mo agad susundin ka nun" dagdag pa ni jasmine
"Ayoko gusto ko na bigyan pa ng problema sila daddy, hanggat kaya ko maging independent hindi ako lalapit sa kanila, ayoko pang umuwi samin gusto ko may mapatunayan ako sa kanila at mas lalaong ayokong sila nanaman ang magaayos ng mga kalokohang ako naman ang may kasalanan." seroyosong sagot ni thea sa mga kaibigan
"Hey guys supportahan na lang natin tong friendship natin" sabay akbay ni ciel sakanya.
“Ulirang anak goes to....Drum roll....goes to thea” biglang singit ni Ashley na ikinatawa ng lahat.
Tama naman lahat ng sinabi nila na mas mapapadali ang buhay ko kung uuwi ako sa amin pero ayoko nang maging pabigat sa kanila, at puro sakit na lang sa ulo ang ibibigay ko. Napabuntong hininga siya ng makauwi sa apartment niya.
"Buti pa sila mag o-out of the country, namiss ko tuloy si mommy"
Speaking of her mom bigla nalang tumunog ang phone niya at nagulat siya nang makita ang mommy niya na tumatawag.
"Hello mom?" Garagal ang boses ng sagutin niya ang tawag. Gusto niyang umiyak ng marinig ang boses ng mommy niya.
"Baby I miss you so much come back home na please"
"Mom I miss you too but I’m sorry I can’t go home now" malungkot niyang sabi 'hindi ako babalik hanggat hindi ko pa naayos ang problema ko'
"Oh thea my dear thea, kung alam mo lang kung gaano ka na namin namimiss ng dad mo, I just want to see you baby, please baby”
“Mom, but I want to prove myself to dad and you, ayoko naman pong sa bawat gusot na gagawin ko kayo ang magaayos I don’t want to be a burden to you and to dad also.”
