CHAPTER FOUR

22 0 0
                                    

Monday (Day 2)

Nagising si thea na masakit ang ulo dahil hindi siya nakatulog ng maayos, buong magdamag niyang inisip ang contract nila ni zander.

"Argh! Head ache" reklamo ni thea habang nasa ulo ang kamay. Bumangon siya ng kama at lumabas ng kwarto para mag hanap ng gamot. .

"Medicine...medicine, where are you" habang binubuksan lahat ng makitang kabinet..

"What are you looking for?" Biglang sulpot ni zander, awtomatiko siyang napaharap dito.

"Ano... Gamot lang" pagsasabi niya ng totoo                   

"Why? Are you sick?" Concern na tanong nito sakanya. Umiling lamang si thea.

'Masakit ang ulo ko dahil sa iyo!'                

"You’re not sick, pero naghahanap ka ng gamot?" Lumapit ito sa kanya at inilapat ang palad sa nuo niya.

“I told you I’m not sick” tinabig niya ang kamay ni zander at lumayo ng bahagya. ‘Ano ka ba naman wag ka nga lumapit sa akin ginugulo mo ang sistema ko’

“Asan ba nakalagay ang mga gamot mo?”

“Andiyan sa may second level na cabinet”

Kumilos si thea para kunin ang gamut pero dahil hindi naman siya gaanong katangkaran , hindi niya maabot ang cabinet. ‘Nakakainis naman bakit ba kasi ang taas naman ng lagayan niya ng gamot’

“Do you need some help?” tanong ni zander na pinagmamasdan siya mula sa likuran.

“No.. Kaya ko na ito” ‘Hindi ako hihingi ng tulong sayo no’

Kumuha siya ng upun para tungtungan niya, pero kapos pa rin ito ng ilang sintemetro, tumingkayad siya para maabot ang cabinet.

‘Konti na lang thea makukuha mo rin yan, konting push pa’

Bago pa niya makuha ang gamot ay nawalan na siya ng balanse.

“Thea watch out” sigaw ni zander mula sa likuran niya.

Mabuti na lang ay mabilis na nakakilos si zander at nasalo siya nito.

“Are you okay?”

Nang magmulat siya ng mata’y nakita niya ang mukha ni zander. Sobrang lapit ng mukha nila sa isat-isa. Thugs! Thugs! Thugs! Ramdam na ramdam ni thea ang malakas at sunod sunod na tunog ng puso niya.

“Okay ka lang ba?” Tanong ulit ni zander.

“Huh?... ahhh.. eh ..o-okay lang ako..”  Nag iinit ang pisngi ni thea, pakiramdam niya’y gustong sumabog ng puso niya ng mga oras na iyon.

Maingat siyang ibinaba ni zander, at kinuha nito ang gamot na hindi niya nakuha.

“Here, take this and rest" Inabot ni zander ang kamay niya at ibinigay ang gamot.

Nang magkalapit ang kamay nila’y sabay silang nag katinginan. ‘Naramdaman niya rin kaya un? Parang may kung anong kuryenteng dumaloy sa kamay ko papunta sa puso ko.. ang weird ng feeling’

100 days with Mr. FreakTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon