CHAPTER EIGHT

22 0 0
                                    

MONDAY

Binigyan ni zander si thea ng 2 days na day off.

Hay naku ano kayang pwede kung gawin, maaga namang umalis si zander kaya wala na akong gagawin dito at beside it's my day off. Pumunta na lang kaya ako kila mommy pero baka hindi nanaman ako payagang umuwi nun.

Simula nang binisita niya ang mommy niya ay unti unti nang bumabalik ang dati nilang samahan.

"Papasok na lang ako sa coffee shop at mag tatrabaho sayang din ung kikitain ko dun" agad niyang kinuha ang bag at umalis.

Ilang araw din akong nag leave dapat lang na bumawi ako sa pasok.

Nang makarating siya sa coffee express naabutan niyang pinapagalitan ni arthur si betty. Mabuti na lang at magbubukas pa lang sila at walang makakakita ng ginagawa ng boss nila.

"Ano ka ba kelan ka ba matututo bettina" galit na sabi ni arthur kay betty       

"Naku pasensiya na po sir hindi na po mauulit patawad po" nagmamakaawang sabi ni betty

"Aba dapat lang dahil sa oras na maulit ulit ito ay sisisantihin na kita nag kakainindihan ba tayo?"

"Opo sir" tatango tangong sagot ni betty

Pabalik na si arthur ng opisina nang magkasalubong sila ni thea.

"Goodmorning sir" nakangiting bati niya

"Goodmorning din" nakangiting sagot nito sa kanya. 'Ano kayang nangyari at bigla bigla na lang nag papalit ang mood ang isang to kanina halos umusok na ang ilong sa galit tapos ngayon kala mo anghel'

"I'm glad you're back" sabi nito bago tuluyang pumasok sa opisina. Nagkatinginan na lang sila ni betty.

"Ano kayang nakain nun ni sir" palubong na tanong sa kanya ni betty, nagkibit balikat na lamang siya dahil hindi niya din alam ang isasagot.

Dahil araw ng lunes ay madami silang costumer, hindi magkandaugaga si thea sa pagkuha ng orders, at si betty naman ay ang nakaassign sa kahera.

"1 cookies and cream frappe, 2 green tea, at 3 strawberry cheese cake" paguulit ni thea sa order, at agad ay ibinigay niya kay betty ang listahan.

"Hay nakakapagod no" daing ni thea nang makalapit siya sa cashier.

"Hay naku sinabi mo pa" pagsangayon naman ni betty .."gusto mo mamayang after lunch mgpalit naman tayo ng task, ikaw naman dito at ako naman ang kukuha ng orders" suggestion ni betty

"Ok lang sakin pero ok lang ba talaga un sayo?" Nagaalangang tanong ni thea

"Ano ka ba ok lang sakin" nakangiting sagot nito                

"Haha sige thanks ahh"

100 days with Mr. FreakTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon