Hello po sa lahat ng mga nagbabasa nito! Salamat po at naisipan niyo itong basahin. Malamang ay nakakarelate na kayo sa'kin pagkabasa pa lang sa title kung kaya't naisipan niyo itong tignan. Kung hindi naman ay posibleng na-curious lang kayo. Pagpasensiyahan niyo na at mahilig akong manghula pagdating sa mga bagay-bagay, pero hindi po ako fortune teller. XD
Bago ko isiwalat sa aking mga hinanaing bilang baguhang Wattpad writer ay ibig kong malaman niyo na confession entries ko lang po ang mababasa niyo rito kaya sana'y huwag po tayong mag-expect na magkakaroon 'to ng plot at mabubulaklak na salita.
Okay so simulan na natin ang Confession 01...
Ang totoo po niyan, matagal na po akong miyembro rito. Nag-start akong sumali sa Wattpad noong August 2014. Tinignan ko pa po 'yung profile ko kasi hindi ko na matandaan kung kailan talaga ako unang sumali rito.
Nung mga time na 'yun sikat na sikat pa 'yung kwento ng "Diary ng Panget" at 'yung iba pang mga kwentong pinag-uusapan ng mga kaklase ko. Hindi ako maka-relate sa mga e-books at Wattpad noon, pero na-curious ako kaya nagtanong-tanong ako sa kanila.
Tinanong ko sila about sa Wattpad at naisipan kong i-install ang app sa cellphone ko. In-install ko ito para magbasa, pero mas nangibabaw ang kagustuhan kong magsulat ng sarili kong kwento.
Noong bata pa lang kasi ako, mahilig na talaga akong magsulat at magdrawing tapos ginagawan ko ng kwento ang mga drawings ko. Noong elementary days ko, sumasali-sali na ako sa mga pa-contest nila sa school na kung tawagin ay Press Conference.
Wala pa akong kaalam-alam kung anong klaseng paligsahan 'yung sasalihan ko noon, pero napilitan akong lumahok sa contest kasi ni-recruit ako ng kaklase ko. Kailangan daw ng mga writers noon eh, tapos inilagay nila ako sa Editorial Writing (Filipino). Potential pa lang ako nung time na 'yun kasi first time ko nga sumali atsaka Grade 4 pa lang yata ako noon kaya syempre 'yung mga official eh, 'yung nasa higher levels. 'Yung mga official lang kasi ang pwedeng makasama sa next level which is called the "Regional Press Conference" kapag nakapasok sila sa 1st-5th place. For every category kasi dapat may official at potential na representative. Ganern.
Sa hindi inaakalang pagkakataon, nanalo naman ako bilang 5th place at 'yung kaklase ko naman eh, 4th place (nakalimutan ko na nga lang kung anong category siya).
Syempre masaya ako noon kasi wala akong kaalam-alam tapos pasok pa ako sa top 5. Hanggang 7th place lang kasi ang may certificate noon.
Simula noon, nagpatuloy na ako sa pagsali-sali sa mga Press Con hanggang sa nakamit ko rin ang 1st place sa Editorial Writing Filipino at sa Feature Writing Filipino (in different years of course).
Na-try ko na rin 'yung English medium, pero mas magaling daw ako sa Filipino eh kaya eto, nagsusulat ako ng mga Taglish stories sa Wattpad hahaha.
Kung nabasa niyo 'yung Trap Zone, hindi po 'yan ang kauna-unahan kong Taglish story na i-pinublish dito. May nauna pa po riyan, pero in-unpublish ko na kasi may naisip akong mas magandang plot at 'yun ang Trap Zone. A Trap Falls for A Trap po sana 'yung title ng old story, pero mas prefer ko 'yung Trap Zone kaya hindi ko na tinuloy ang pagsusulat niyon.
Ang hirap lang kasi sa Wattpad ngayon, hindi binabasa ang mga gawang kaunti lang ang votes at reads kaya halos lahat ng mga manunulat ay uhaw sa mga "vomments" kung tawagin dahilan para mabuo ang mga book clubs dito.
Marami pa po akong isisiwalat tungkol sa aking mga pighati at hinaing pagdating sa estado ko sa Wattpad ngayon kaya abangan ang Confession 02.
~End of Confession 01~
BINABASA MO ANG
Confessions of a Wattpad Writer: The Beginner
Non-FictionAng akdang ito ay naglalaman ng saloobin ng isang baguhang writer dito sa Wattpad. Nakasulat dito ang kanyang mga hinaing bilang isang hindi kilalang manunulat at ang kanyang kagustuhang sumikat. Pakibasa na lang at baka maka-relate ka.