Hello ulit sa mga mambabasa at sa mga bashers! Isa po talaga 'yung mga bashers sa mga ayaw ko. Oo, masaya mambash at magreklamo gaya ko, pero pakiusap huwag po tayong out of line. Sensitive akong tao kaya madali akong masaktan.
Don't get me wrong, wala pang nambash sa'kin dito, pero 'yung comments ng iba nakakahurt ng feelings eh. Lalo na kapag tinatawag na "O.A" ang isang part ng kwento mo. Bakit, 'yang mga teleseryeng pinapanood niyo hindi ba overacting 'yang mga 'yan? 'Yang mga romance novels na binabasa niyo hindi ba product ng ka-O.A-han 'yang mga 'yan? Iiyak-iyak nga kayo kapag may fictional character na namatay eh, tas magsasabi kayong O.A ang isang part ng kwento dahil lang sa wrong choice of words? Kung gusto niyong itama ng writer ang parteng iyon eh, sabihan niyo siya in a nice way. Huwag niyo agad husgahan na O.A 'yung part na 'yon kasi para lang din naman sa entertainment niyo 'yang pinagsusulat niya diyan. Bato-bato sa langit ang matamaan alam kong magagalit, pero wala akong pake kagaya ng pagsasantabi mo sa feelings ng writer. :P
~End of Confession 03~
BINABASA MO ANG
Confessions of a Wattpad Writer: The Beginner
Non-FictionAng akdang ito ay naglalaman ng saloobin ng isang baguhang writer dito sa Wattpad. Nakasulat dito ang kanyang mga hinaing bilang isang hindi kilalang manunulat at ang kanyang kagustuhang sumikat. Pakibasa na lang at baka maka-relate ka.