Confession 02

26 14 24
                                    

Noong i-pinublish ko ang ilan sa mga kauna-unahang chapters ng Trap Zone, talagang inspired ako noon kasi nga simula pa lang. Pero hindi naglaon at naramdaman kong walang kwenta ang pagpupuyat at pagsusulat ko ng mga chapters dahil wala namang bumabasa nito.

Napapaisip nga ako minsan na, "magsulat na lang kaya ako ng SPG stories? baka sakaling doon ay makahakot pa ako ng maraming readers." No offense po pero, hindi ko maiwasang magtaka kung bakit tinatangkilik iyon ng karamihan gayong mali-mali naman ang grammar at spelling nito. Nasasarapan kaya silang magbasa ng napakaraming typo at mga pangungusap na halos hindi mo na maintindihan kung past tense, present tense o future tense? Hindi ko tuloy maiwasang ihambing ang gawa ko sa mga gawa ng iba.

Kahit na nakakasawa na ang plot at mga pangyayari ay tinatangkilik pa rin ito ng mga mambabasa. Hindi ba sila nagsasawa? Paulit-ulit paulit-ulit? Minsan nga nagtataka ako kung may plot pa nga ba ang mga story nila o wala.

Sa totoo lang, nabwi-bwisit din ako sa mga title nilang kahit hindi mo na basahin ang laman ay malalaman mo na kung anong mangyayari. Ayokong magbigay pa ng mga halimbawa at baka makasakit pa ako sa damdamin ng iba. Hindi ba uso ang pa-mysterious effect dito? Dapat naman talaga mag-match ang title at contents ng story, pero sana naman hindi 'yung sobrang cliché at walang kahiwa-hiwagang basahin. Alam ko pong hindi ako perpektong manunulat, pero at least try harder. Again, no offense :")

Hindi porke't 'yan ang sikat eh, gagayahin niyo na. Kaya nakakasawa ang mga stories dito eh. We are born original kaya bakit hindi tayo gumawa ng unique na stories? Alam kong mahirap nang gumawa ng bagong concepts at plot dahil sa rami ng kwento rito sa mundo, pero sana naman huwag natin gayahin halos lahat porke't ito ang sikat. Title pa lang eh, you can't see the difference na. Sorry to say pero, KUMITA NA YAN! NAPANOOD KO NA 'YAN!

Isa rin sa mga sobrang nakakabwisit 'yung plagiarism. Sana po ay huwag nating nakawin ang ideya ng iba at ituring itong atin ng walang pahintulot. Mahirap magpiga ng utak maka-isip lang ng ideas kaya pakiusap, huwag po tayong manggaya at mang-angkin ng gawang hindi sa atin. Alam ko na mga estilo niyo oi! Pinapalitan niyo lang ang pangalan para hindi obvious. Naku, sinasabi ko sa inyo, bad 'yan at maaari kayong makulong sa gawain niyong 'yan. Kaya please, magbagong buhay na kayo. Imagine kung kayo ang ninakawan ng gawa eh 'di ba masasaktan din kayo't madidismaya?

Applicable rin po itong plagiarism sa mga "sikat" na. Maging totoo po tayo sa sarili natin. Hindi porke't sikat tayo eh, pwede na nating angkinin 'yung gawa ng mga writer na hindi sikat at palabasin itong atin. Tsk. Sikat nga magnanakaw naman ng gawa. Maganda ba pakinggan? If not, you got my point. If yes, magdasal ka na.

Gusto ko rin sanang sabihin sa entire Wattpad community na hindi natin dapat i-judge ang mga gawang kakaunti lang ang reads at votes. Bakit, lahat ba ng maraming reads at votes eh, maganda? Uso vote buying at vote trades 'no!

Hindi ko maipagkakailang nakikipag-vote at comment trade rin ako, pero alam niyo kung anong nararamdaman ko sa tuwing ginagawa ko iyon? Disappointment. Hindi ko feel na totoong naa-appreciate nila ang gawa ko kasi alam kong binabasa nila ang kwento ko dahil may benefit din silang makukuha rito at 'yon ay mga votes at comments galing sa'kin.

~End of Confession 02~

Confessions of a Wattpad Writer: The BeginnerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon