Confession 06

17 2 0
                                    

Sa dami-dami ng na-establish na critique shops dito sa Wattpad, hirap pa rin akong makahanap ng critic para sa story ko. Alam niyo kung bakit? Kasi wala pa akong nakikitang mapagkakatiwalaan ko. Ayaw ko namang magpa-critique sa mga taong mas baliko pa ang grammar kaysa sa akin. Mahirap magtiwala sa mga critic na hindi marunong i-differentiate ang "its" at "it's" pati na rin 'yung iba na kahit simpleng capitalization ng "I" ay hindi pa magawa. Oo, mapili ako pagdating sa critics kasi alam kong ang pagsusulat ay hindi lamang pampalipas-oras. Maaari itong makapagbago ng buhay ng tao kaya hindi ako papayag na ipa-critique lamang ang gawa ko sa critic na hindi naman kayang panindigan ang tungkulin nila.

Please lang huwag na tayong gumawa ng critique shop kung boredom lang ang meron tayo bilang rason sa paggawa. Malaking impact sa writer ang magiging critique natin sa story nila kaya huwag natin itong ituring na entertainment lamang. Kung gusto niyong ilabas ang maitim niyong budhi, aba huwag sa stories ng ibang tao. Critique your own stories first and come back after you've published your own book. Dapat Top-selling ha? Charot! May nalalaman pa kayong kung ano-anong motto para may magtiwala sa shop niyo eh, halata namang wala lang kayong magawa. Paalala ulit: Hindi ko nilalahat at aminado akong 'di ko pa napupuntahan (nababasa) lahat ng critique shops dito sa Wattpad. Ang totoo nga niyan, hanga pa rin ako sa critics na nagpapaalalang iba-iba ang gusto ng kada-isa sa atin kaya hindi dapat masyadong damdamin ang critique nila.

~End of Confession 06~

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 10, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Confessions of a Wattpad Writer: The BeginnerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon